071 | Narration

193 16 1
                                    

Matapos ang isang linggo pagka wala ni Daehwi ay muli na ulit siyang pumasok ngunit hindi tulad ng dati hindi na siya gaanong umiimik. Nanatili na lang siyang tahimik, dahil ayaw niyang banggitin ang bawat pangalan ng mga kaklase niya, ito ko ay kung mababanggit pa nga ba niya ng tama.

Isang ngiti lang din ang binigay niya kay Jinyoung bago mag simula ang klase. Halos lahat ay naninibago. Kung dati ay palaging tumataas ng kamay si Daehwi para sumagot sa guro ngayon ay mistulang inosenteng estudyante na lang siya na walang alam, nangangapa sa lesson at walang naiintindihan.

Halos lahat ay napapansin na din yun. Hindi naman sila masisisi ni Daehwi ngunit para sa mga natitira niyang araw ay pumasok siya. Gusto niyang maranasan ang maging estudyante kahit na ngayon araw lang. Gusto niya ulit maranasan na makasama sa isang lugar ang mga taong pinapahalagahan niya. Gusto niya ulit maranasan ang buhay kung saan normal pa ang lahat.

Agad na tumulo ang isang luha mula sa mata niya. Malungkot siyang tinitigan ng guro bago tumalikod at mag sulat sa pisara. Agad naman pinunasan ni Daehwi ang luha niya at napa buntong hininga.

'Ngayong araw na lang naman. Huli na ito.'

Mamimiss niya lahat. Mamimiss niya mga kagaguhan ng mga kaklase at mga kaibigan niya.

Mamimiss niya rin ang pinaka mahalagang tao sa buhay niya.

Bae Jinyoung.

Twentitri || JinHwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon