"Yuka! Let's go?" Mom asked me.
I just gave mom a nod. Pumunta na kami dun sa car na binili ni daddy para samin nila kuya. Simula kasi nung napansin ni mom na nagiging cold na si daddy, naisipan niya na makipag-hiwalay nalang sakanya kaysa mag-away pa sila sa harap namin. I was 4 years old back then, ngayon 7 years old na ako, pinapadalhan na lang kami ni dad ng mga kinakailangan naming magkapatid. Hindi naman ako galit kay dad, hindi ko rin naman kasi alam kung ano ba talaga ang nangyayari. Anyways, papunta kami ngayon ni mom sa mall. Birthday ko kasi ngayon, May 28. Isa lang naman ang hiniling ko kay mom eh, mabili niya sana ako nung ps3. Nabasag ko kasi yung isa kong ps3 hindi na gumagana. Pero satingin ko iba naman ang ibibili sakin ni mommy eh. Pero ok lang it's the thought that counts.😊
Pagka-pasok namin ng mall tinanong agad sakin ni mom kung nagugutom ako,
"Yu' are you hungry? Gusto mo ba munang kumain?"
"Sure mom! Pwede po bang dun tayo sa fave restaurant ko kumain?"
"Oo naman sweetie~ Ano? Tara na?" She smiled to me as she asked that.
"Tara po mom!" Hinila ko siya papunta dun sa direction papunta sa restaurant na gusto kong puntahan.
"Woah, slow down sweetie baka madapa si mommy." She said as she chuckled.
Nginitian ko siya at nagdahan-dahan nang maglakad.
"Sorry mom, medyo nagugutom na po kasi ako eh"
"Hayaan mo nak' nagpa-reserve na naman ako since alam ko namang dito mo gugustohing kumain."
I smiled tapos niyakap ko siya.
"Thanks mom!"
Kung tatanungin man ako kung sinong mas gusto kong makasama kay dad and mom, si mom talaga ang pipiliin ko. Siya kasi yung laging nandyan para samin ni kuya especially kung may problema kami. Hindi ko naman sinasabi na hate ko si daddy, mas close lang talaga yung loob ko kay mom.
"Yuka, what do you want to order?"
Nakarating na kami dito sa restaurant at agad ring kaming nakakuha ng table kasi nga nagpareserve si mom.
Nung dumating na yung pagkain namin, sumubo agad ako. Grabe ang sarap talaga ng pagkain dito!
"Aba talagang gutom na tong sweetie ko ah!" Sabi ni mommy saka ginulo ang buhok ko.
"Siya nga pala nak', may regalo ako sayo.." Sabi ni mommy habang kinukuha kung ano man yung regalo niya saken dun sa parang eco bag. Pagkalabas na pagkalabas nun ni mommy, parang nabuo na yata ang araw ko.
"WOW MOMMY THANK YOU PO!! THIS IS THE BEST GIFT EVER!! I LOVE YOU PO!" Sabi ko habang niyayakap si mommy.
OMG!!! Grabe hindi ko to inaashan! Binigay lang naman kasi sakin ni mommy yung hinihiling kong ps3! Napaka-saya ko talaga ngayon!
"Mukha mo palang sigurado akong gustong-gusto mo na yan, kaya di na kita tatanungin lung nagustuhan mo."☺️
"Naku mommy kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon!"
Niyakap-yakap ko yung ps3 ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala! Alam na alam talaga ni mommy kung anong gusto ko!
Nanatili akong ganon nang biglang...
BOOM!!
May sumabog na kung ano banda dun sa kitchen at ngayon nasusunog na yung paligid.
Mat nakikita akong mga tao sa labas, sila ba yung magliligtas samin dito?
"*Ubo* Yuka.. Ok ka lang ba sweetie?*ubo*" tanong sakin ni mommy.
"Ok lang po ako mom! Nasaan po kayo!?" Pasigaw na tanong ko kay mommy.
"Nandito ako sa bandang likod mo.. *ubo*"
Lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si mommy. May nakaharang na mga kahoy sa pagitan naming dalawa. Nasa bandang loob siya nung restaurant.
"Mommy ok lang po ba kayo diyan?" Sinubukan kong abutin yung kamay ni mommy. Nagawa ko namang hawakan pa yun, kasi may nalita akong maliit na space dun sa mga kahoy.
"Ok lang ako dito nak' *ubo*"
Naramdaman kong may nilagay sa kamay ko si mommy. Kinuha ko yon at tinignan ko. Ito yung necklace ni mommy. Locket yun na may picture naming dalawa. Tinignan ko si mommy. Nginitian niya lang ako.
"Yuka, kung sakaling hindi na ako makalabas dito, ang hinihiling ko lang ay sana ipagpatuloy mo lang yang buhay mo, wag kang malulungkot kung mawala man ako. Gusto kong makapagtapos ka at makakuha ka ng maayos na trabaho.. *ubo* mahal na mahal kita nak'. "
"Mommy ano yang sinasabi mo? Hindi yan mangyayari, makakalabas tayo dito. Walang maiiwan dito. Walang mawawala....–" hindi ko na natuloy kung ano pa man yung sasabihin ko dahil bigla nalang akong naiyak.
Habang umiiyak ako, may napansin akong ilaw.
"Hello? May tao ba dito?"
"DITO PO!" Sigaw ni mommy.
Tinignan ko siya. She just smiled at me.
"Mommy pano po kayo?..."
"Magiging ok lang si mommy anak. Go with them na Yuka." Sabi ni mommy at pinatayo na ako.
Sinunod ko nalang si mommy kahit alam kong bska wala nang chance na mailigtas pa siya.
"YUKA! ANAK WAG MONG KAKAPIMUTAN YUNG BILIN KO SAYO AH! I LOVE YOU SWEETIE!"
Nilingon ko si mommy habang hinihila ako nung mga firefighter palayo doon. Patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Pagkalabas namin dun sa restaurant, binigyan ako ng first aid nung mga taga red cross na naka-abang. Habang ginagawa nila yun sakin, naka focus lang ako dun sa restaurant kung nasan si mommy. May papunta nang mga tao doon para iligtas pa yung ibang nasa loob kasama si mommy nang biglang sumabog yon ng malakas.
BOOM!
Kasabay nang pagsabog non parang nawasak na rin ang puso ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko na napigilan at humagulgol ako ng malakas.
"MOMMYY!!!" Paiyak na sigaw ko.
Bakit? Ano ba ang nagawa kong masama para ibigay sakin ang ganito? Kasalanan ko to. Kung hindi ko nalang sana pinilit si mommy na kumain sa restaurant na yon hindi pa siguro ito mangyayari.
Naririnig ko yung mga tao sa paligid na nagbubulungan habang nakatutok saakin, pero tila wala lang akong pakialam sa kanila sa ngayon.
Person1: "Kawawa naman yung bata oh. Nakasama kasi yung nanay niya dun sa pagsabog."
Person2: "Oo nga eh. Kung ako yan, baka nagpakamatay na ko."
Napag-isipan ko yung sinabi nung tao kanina.
Paano kaya kung magpaka-matay nalang ako?
Siguro mas gagaan yung nararamdaman ko pag ganon. At kung mamatay ako, makakasama ko na si mommy sa heaven.
Habang iniisip ko yun biglang sumagi sa isip ko yung sinabi sakin ni mommy.
Mas lalo akong nanghina. Parang bigla nalang nawalan ng direksyon ang buhay ko. Hinding-hindi ko to makakalimutan, masyadong masakit ito para makalimutan. Unti-unting nanlabo ang mga paningin ko hanggang sa wala na akong maramdaman.
YOU ARE READING
What If?
RomanceEver since Yuka's mother died due to a bombing incident during her birthday, she had shut herself out to the world, never coming out of her room even for a second. Unlike other girls who are focusing on making themselves on top of others, she was bu...