Chapter Two

14 1 2
                                    

Nakahiga ako sa kama ko at feeling ko konti na lang matutulog na ko. Pagod na kase ako beshie! Hindi sanay yung katawan ko na makaramdam ng ganito karaming emosyon since wala naman talaga akong nakaka-usap sa personal.
Papikit na yung mata ko nang biglang may kumatok sa pinto ko na sigurado akong si kuya. Inaantok akong tumayo para buksan yon.
Tama nga ko. Si kuya nga. Tinignan ko siya ng may inis sa mga mata ko. Nabubwisit parin ako sakanya tch.
I groaned as I asked him why he was here.

"Uhm dinala ko lang yung pagkain mo. Naiwan ko kasi kanina pag-akyat ko dito."

Kinuha ko na agad yun at sinarahan siya ng pinto.
Tinignan ko kung anong ulam yung niluto niya. Wowww Adobo! Masaya ko yung kinain sa desk ko. Haysss sana kahit dito man lang makabawi ako sa sarili ko. Habang masaya akong kumakain ng paborito ko, nag-ring yung phone ko. Napa-kunot naman yung noo ko habang kinukuha ko yon para sagutin.

Unknown Number

Pagkakitang pagkakita ko non, nanlumo yung mga mata ko. Arghhhh! Bakit ngayon paaaa!! Ngayon na nga lang ako sasaya ngayong araw eh! Bakita kailangan mo na namang sirain! Nakapikit ako habang pinaghahampas yung desk ko. Nagulat na lang ako nang may narinig akong nagsalita.

[Hi princess~~ Kamusta? Pinadali mo naman para sakin yung pagkuha ko ng title mo? Anyare sa game is life?]

Wala na kong nagawa kung hindi sumagot na lang. Naturuan naman kasi ko ng mbuting-asal ng parents ko noh. Well..bago sila nawala... But anyways let's just proceed to the story na ulet. Nagdadrama na ko eh.

"Whatever. May mga nangyari lang kasi kaya hindi ako naka-sali."

[Meron nga ba? O baka naman pinanalo mo lang ako kase na love at first sight ka saken. Oops hindi pa pala tayo nagkikita. So love at first talk nalang yung gamitin nating term ok?]

Talagang pinapakulo ng lalaking to yung dugo ko ah! Love at first talk moto! Tch akala mo naman kung sinong ka-inlove-inlove dito! Urghhh kabwiset!

"Hoy tigil-tigilan mo nga ko! It's not as if close tayo ok!?"

"Hindi nga tayo close....dati lang siguro........"

Medyo hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi, pero pinabayaan ko na lang din.

"Tch ok. So tapos ka na? Ok na? Pwede ko na bang ibaba?"

Sabi ko ng may irita sa boses ko. Gusto ko na talaga kasi tong matapos para makapagpahinga narin yung katawan ko jusqqq!

[*sigh* I guess so...]

"Ok bye-"

[Wait! Since nanalo ako, can you atleast give me a prize?]

"Anong prize naman yang sinasabi mo? Para namang maibibigay ko sayo yun noh!"

[Heh, inaasahan ko nang sasabihin mo yan. Kaya ang prize na gusto kong makuha ay ang makita ka sa personal.]

Nanlaki naman ang mata ko. Pero napakunot naman yung noo ko nang maalala kong pwede naman siguro akong mag-'no' dito.

"Ano namang mabuti ang maidudulot sakin niyan?"

What If?Where stories live. Discover now