A/N
Reader-chan yung mga naka-parenthesis, italic at bold na words dito, ako po yun okiee?? Hindi po yun si heroin okeh? Ok then! Let's get to the storyyyy~~ Enjoy!Tumakbo ako papunta sa kitchen, pero malaki kasi yung bahay namin eh (wow payaman!☝️) soooo... nawala po ako. Nakalimutan ko na rin kasi kung nasan yun sa tagal ko ba namang hindi nakalabas ng kwarto ko! 15 years old na ko beb!!! Ilang years din yun no ka ba! Ok so yun naglalakad-lakad ako sa bahay. May mga nagbago din pala dito pero hindi naman ganun kalaki yung pagbabago. Nakapunta ako sa sala namin. May malaking shelf dun sa gilid ng t.v. , pinuntahan ka tapos kinuha ko yung photo album na nakalagay dun. Pagkabuklat na pagkabuklat ko ng first page, biglang may namuong luha sa mga mata ko. Picture namin yun nila mommy nung nagpunta kami ng Disneyland. (Yayamanin talaga tong pamilyang to oh! Pa-bulalo ka na naman hoy!☝) Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha na kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Pagkatapos tumulo ng isang luha ko na yun, nagsunod-sunod na yung luha na bumabagsak sa mukha ko. Akala ko dati ay ok na ko, pero mali pala ko, hindi pa rin pala kaya.. Kahit sabihin ko sa sarili ko na dapat akong magpakatatag kasi yun yung pinromise ko kay mommy, hindi ko pa rin magawa. Masakit pa rin para sakin.. Hindi pa rin naghihilom yung sugat ng pagkawala ni mommy. Humihikbki lang ako dun mag-isa sa sofa nang biglang may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Tinignan ko naman agad kung sino yun at pinunasan agad yung mga mata ko. Paglingon ko ay sinalubong ako ng mga matang puno ng lungkot. Nanlalaki yung mga mata ko sa nakita ko. May mga luhang tumutulo sa mga mata ni kuya.
"Nami-miss ko na rin si mommy... Pati na rin si daddy, simula kasi nung nawala si mommy hindi na madalas umuwi dito si daddy..." Sabi niya habang patuloy na pumapatak yung mga luha niya sa pisngi.
Never kong inakala na ganito pala siya nasaktang dun sa pagkawala ni mommy. Akala ko kasi dati ay wala siyang nasyadong pake dun kasi nga step-mother lang naman niya si mommy, pero mali pala ako.. Malaki rin pala ang epekto sa kanya ng pagkawala ni mommy. Nawala na yung feeling ko dati na nag-iisa ako. Nalaman ko na na may kasama pala ako sa mga sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni mom. Kumilos mag-isa yung sarili ko at niyakap ko si kuya na umiiyak parin ngayon. Naramdaman ko siyang medyo nagulat sa ginawa ko pero niyakap na rin ako pabalik after a few seconds. I cried my eyes out on his shoulder. Gumaan naman yung loob ko habang ginagawa ko to. Nung medyo nakalma na ko, niyakap ko pa ng mahigpit si kuya bago ko siya pinakawalan at sinalubong ng ngiti ko. Tinignan niya din ako at ngumiti pabalik habang pinupunasan yung mga luha niya kanina.
"...Salamat....." sabi ko habang nakangiti parin sakanya.
Tinignan niya naman ako na parang naguguluhan."Para saan naman?"
"..Para...dito.."
Mas lalo siyang naguluhan."Dito..?"
"Oo. Dito. Thank you sa pagdamay sakin. Ang buong akala ko kasi mag-isa na lang ako....simula nung mawala si mom...." binulong ko na lang yung huli kong sinabi.
Nginitian niya naman ako at ginulo yung buhok ko."Kung yan nga ang iniisip mo, pwes nagkakamali ka. Buong buhay ko pinipilit kong magpaka-tatag kasi kung hindi alam kong mahihirapan tayong dalawa. Lalo na na wala si daddy dito.."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Tinignan ulit naman yung picture, pero ngayon hindi na luha ang ipinakita namin, kundi ngiti. Nginiting hindi plastik or forced smile lang. Isa yung nginiting masasabi kong may halong lungkot, oo, pero mas nangingibabaw pa rin ang saya dito. Feeling ko parang ipinanganak ulit ako, yung parang pangalawang buhay ganern. Pero this time won't be like the last one, I won't ever let myself be weak ever again. This is a promise.
Habang naka-upo kami ni kuya sa sofa at tinitignan yung iba pang mga pictures dun, may narinig akong mga yapak papunta samin, so lumingon ako para tignan kung sino yun, inexpect ko na maid lang namin yun. Pero, well expect the un-expected, yung aircon na yun na naman tsk. Masaya siyang patalon na naglalakad habang papunta sa direksyon namin. Medyo lumubog ako sa kina-uupuan ko para hindi niya ko masyadong mapansin. Tsk bakit nandito parin kasi yan! Akala ko naman pinalayas na siya dito nung mga maid namin kasi wala nga naman kasi siya ginagawa dito. Pa-pasyal-pasyal lang eh oh! Akala niya ba mall yung bahay namin! So yun na nga medyo hindi na ko mapakali kaya napansin yun ni kuya. Hindi ko naman siya masagot nung tinanong niya ko kung bakit parang hindi ako mapakali sa pwesto ko. Napatingin lang ako sa gilid kung saan nandoon yung buhay na aircon. Pinagmamasdan niya yung malaki naming family portrait na nasa bandang gitna ng living room namin. Parang wrong move ata yung ginawa ko, kasi ngayon na-curious si kuya kaya sinundan niya yung tingin ko at nakita niya naman agad si aircon.
YOU ARE READING
What If?
RomanceEver since Yuka's mother died due to a bombing incident during her birthday, she had shut herself out to the world, never coming out of her room even for a second. Unlike other girls who are focusing on making themselves on top of others, she was bu...