Chapter One

15 0 0
                                    

*knock, knock, knock*

Hindi ko pinansin kung sino man yung kumakatok sa pinto at pinagpatuloy ko lang tong nilalaro ko.

[Yuka? Si kuya mo to, iiwan ko na lang dito yung pagkain mo ah.]

Pagkatapos niya yon sabihin narinig ko na siyang naglakad pababa.

Ganito nalang yung araw-araw na nangyayari dito. Nakasanayan ko na rin to. Simula kasi nung mawala si mommy dito na ko nagkulong sa kwarto ko.

Pinapadalan na lang ako ng pagkain ng kuya ko para naman mabuhay pa ko. Buong buhay ko kasi, si mom lang yung kasama ko. Simula kasi nung namatay yung pure blood father ko, nag-asawa ulit si mommy kaya nagkaroon ako ng step-brother. Pero nauwi din naman sa hiwalayan yung relasyon ni mom tsaka nung step-dad ko.

Sa totoo lang halos hindi pa kami nag-uusap ng kuya ko, sa tingin ko nga ang pag-uusap lang namin ay nung pinakilala kami ni mom sa isa't-isa. Sa totoo lang kasi napaka-hinhin ko lalo na nung bata pa ko. Ni hindi ko kinikibo yung mga taong wala namang kinalaman sa akin. Kay mom lang talaga ko nakakapag-open up.

Binuksan ko na yung pinto para kunin yung pagkain. As usual may note na naman dun na nagsasabing:

"Yuka, please lumabas ka na diyan. Gusto ko lang makita yung mukha mo. Yun lang ang hiling ko. -Kuya"

Nasanay na rin ako sa araw-araw niyang pagbigay sakin ng mga notes na to. Sa katunayan kung pwede lang gawing pera tong mga notes na to, siguro libo-libo na yung pera ko ngayon.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, pinagpatuloy ko na ulit yung paglalaro ko. Araw-araw akong naglalaro dito sa room ko kaya lagi akong kasali sa mga top player sa mga games.

Pero hindi lang naman ako sa computer games magaling, magaling din akong mag baraha, chess at kung ano-ano pang mind games. Tinuruan kasi ako ni daddy bago siya mawala.

Gusto niya kasi na maipasa niya iyon para hindi naman masayang yung galing niya. Kaya lang hindi na ko nakakapaglaro ng mga ganon since lagi nga lang akong nasa kwarto.

Nakakapaglaro lang ako nung mga against computer na ganon.

Tumigil na rin ako sa pagpasok sa school kasi napaka-laki talaga ng epekto sakin ng pagkawala ni mom.

Andito pa naman yung step-dad ko pero halos hindi na umuwi dahil sa work niya. Kaya si kuya nalang talaga yung umaasikaso sakin dito sa bahay, although may isang maid kami dito madalas si kuya talaga yung nag-aalaga sakin.

Kahit na araw-araw akong naglalaro dito, walang nakaka-alam na mahilig ako dito. Ni hindi nga to alam ni mommy, ang alam kasi ni mommy ay ang drawing ang hilig ko since siya na rin ang nagturo sakin mag drawing.

Isa pa, I really don't leak any personal information sa mga gaming accounts ko. I've always kept myself anonymous.

Nag-inat ako after ng 1 hour ng paglalaro. Medyo tinamad na kong maglaro kayo nag offline na muna ako.

Pumunta ko sa bed ko tas nagcell-phone na lang ako. Habang nags-scroll ako sa news feed ko, may nakita akong competition.

At oh, mamaya na pala to! Tamang-tama wala akong challenger sa oras na yun. Players all-over the world often challenges me to 1v1 matches or team matches to try and defeat me.

Kaso 7:30-9:00 yun so paano ako kakain non. Aishhh! May bago na naman akong pinoproblema! Pano nga ba to........

Ah alam ko na! Ipapa-akyat ko na lang ng maaga kay kuya yung dinner ko! Hehe sana nga lang maaga siyang umuwi, papauwiin ko na lang ng maaga si kuya mamaya para maaga niya kong maipagluto ng food ko. Hehez.

What If?Where stories live. Discover now