Introduksyon
Nakatitig ako sa mala-diyosa na babaeng tumatakbo papunta sa akin. Nakakabighani ang buhok niyang kulot sa dulo habang nadadala ito ng hangin. Nakakasilaw ang kutis niya na binagayan pa ng isang ngiti na magpapa-ibig sa sinumang lalaki.
Nang makarating siya sa tapat ko, tinulak niya ako sa dibdib.
"Taya!" Sigaw niya, sabay tawa at tumakbo palayo.
"Ano ba 'yan, bakit di ka tumatakbo, Kiko?" Reklamo ni Jomar sa akin.
"Bakit ba? Ah... Eh... Gusto ko ako naman taya eh." Palusot ko. Bigla ko naman siyang hinabol at tumakbo din siya palayo.
Hindi ko mahabol si Jomar. Magaling siya umiwas. Anumang liko niya ay hindi ko masundan. Mas matanda ng ilang buwan sa akin si Jomar, mas matangkad, at mas may itsura.
"Ang slow mo naman, Kiko! Haha." Nang-asar si Jomar habang natakbo na parang di napapagod. Ako naman ay hingal na. Bakit ba ang weak ko?
Bigla akong lumiko, iniwan si Kiko, at humabol kay Nica, yung babae na tumaya sa akin, na nakatayo lamang.
Naabutan ko siya. "Taya!"
Hindi siya nakahanda. Napalakas ang tulak ko. Napaurong siya at natalapid. Napahiga sa kalye ang magandang babae.
Tumakbo agad papunta kay Nica si Jomar. Tinulungan ko si Nica tumayo. May sugat ang kanyang kanang siko.
"Grabe ka naman tumulak, Kiko," Reklamo ni Nica. "Aray, ang hapdi."
Naglabas ng panyo si Jomar at maingat na binalutan ang siko ni Nica.
"Ah, sorry," sabi ko. "Di ko sinasadya. Sorry, Nica"
"Ang galing mo talaga, Jomar. Lagi kang handa." Sabi ni Nica, hindi pinansin ang pag-sorry ko.
"Anong magaling? Binalutan ko lang naman yang siko mo." namula si Jomar.
"Alam mo, pag-tanda natin, ikaw ang pakakasalan ko!" Sabay tawa ni Nica. Nagulat kaming mga lalaki.
"Ano ba kayo, joke lang 'yun. Tara na nga umuwi." Inilabas uli niya ang ngiti niyang nakakabighani.
Grade pa 5 kaming lahat noong nangyari iyon. Pero kahit bata pa kami, marami nang nagsasabi na sobrang ganda ni Nica pag laki niya. Sa murang edad ay alam na namin ang kanyang potential. Lihim na may gusto kaming dalawa ni Jomar sa kaniya, ngunit hindi namin iyon aaminin sa isa't isa dahil matalik na mag-kaibigan kami.
BINABASA MO ANG
King of the Friendzone
Teen Fiction"Let's just be friends..." Kung kutsilyo ang mga salitang ito, matagal nang nasaksak ng maraming beses at napatay si Kiko. Bakit? Siya kasi ang 'Dakilang Best Friend'. Paano na kaya ang buhay pag-ibig kung lagi na lang nauuwi sa pagkakaibigan ang ba...