Chapter Seventeen
Bayani o Biktima?
7:59. Sigurado akong hinahanap na ako ng magulang ko. Pinatay ko muna ang cellphone ko dahil baka tumawag sila. Pasensya na, emergency lang talaga.
Ano kaya kung sabihin ko sa magulang ko kung anong nangyayari ngayon? Maniniwala kaya sila? Pero pag nagawa kong iligtas si Nica ngayon, siguradong mapapatawad na niya ako. Tama. Pero pag nahuli ako ng mga kidnapper? Ano kayang gagawin nila?
Pumasok ako sa building, isinara ang pinto, at tahimik na gumapang papunta sa dalawang babae. Pula ang mga mata nila sa pag-iyak. Agad akong humanap ng kahit anong pwedeng gumupit o sumira sa duct tape.
Tumingin ako sa table kung saan natutulog yung mas malaking kidnapper. Nakakalat ang mga baraha, isang plato ng tinapay, at isang baril.
"Sandali lang, sino 'yang batang 'yan!? Cut! CUT!" Sigaw ng isang tao sa malayo.
Biglang bumukas ang mga ilaw at lumiwanag ang buong ground floor. Sa isang tabi, may isang hanay ng mga tao na may hawak na mga microphone, camera, at mga papel na parang may nagaganap na movie shooting. Madilim ang sulok ng room na iyon kanina kaya hindi ko napansin na may mga tao pala doon.
Tinitigan ako ng kidnapper na kunwari palang tulog. Lumingon ako sa dalawang babae. Masama ang tingin sa akin ni Nica habang nakatakip ang mga kamay ni Marque sa bibig niya, pinipilit na hindi tumawa.
Na-realize ko kung ano ang nangyayari; at mukhang napahiya ako ng todong todo.
"Wait! Walang kidnapping na naganap?" Tanong ko sa lahat.
"What is wrong with you!? Busy kami dito! We have an INCREDIBLY tight schedule! We're shooting scenes for an indie movie here. Tutoy, may problema ka ba sa buhay? Gusto mong itawag kita ng doktor? Baka naman may dahilan ka para guluhin ang importante naming business?" Pahayag ng sumigaw kanina ng 'cut'. Mukhang siya yung director ng shooting.
"Ah... eh... paano napasama si Marque? Nakita ko siyang isinama sa kotse. Pati siya kasama sa shooting?" Tanong ko.
"Well, bago pa ikaw, si little miss diyan ang unang nakialam sa amin," Tumuro ang direktor kay Marque. "Well, nauubos na ang oras at pasensya ko kaya nag-improvise kami. Isinabay namin siya. I've had one too many troubles for today! Labas! Kayong dalawa, LABAS!"
Tumayo si Marque at tinanggal ang tape sa kamay niya na props lang pala. Tinawanan niya ako at sabay kaming lumabas ng building. Mukhang galit na galit na 'yung direktor kaya nawalan ako ng chance para kausapin si Nica.
"Hahaha! Epic fail si Kuya Kiko!" Biro ni Marque habang naglalakad na kami pauwi.
"Parang ikaw din!" Sabi ko.
"Hahaha pero mas epic fail ka! Aaah, pahiya! Hahaha!"
Bakit hindi ko agad napansin kung ano yung nangyayari? Kidnapping na naganap sa harap ng peryahan? Abandoned building ang hide-out nila? Hindi nakabukas yung pinto sa harap? Tama nga na sa sinehan lang nangyayari ang mga ganito.
May sumigaw sa likod namin,
"Kiko! Sandali lang!" Tumakbo si Nica papunta sa amin, tanggal na ang props, make-up, at may dalang isang shoulder bag.
Tumigil kami sa paglalakad ni Marque.
"Uy, Kiko, pasensya ka na kanina ha," sabi ni Nica. "Hindi kasi naipa-alam sa inyo yung shooting namin. Sana naman hindi ka masyadong naabala."
Hindi ba dapat galit sa akin si Nica dahil sa incident nung prom?
Sumenyas sa akin si Marque na parang sinasabing, 'Kausapin mo siya'. At alam ko na kung tungkol saan.
"Sige, Kuya, Ate, uuwi na ako ha," palusot ni Marque. "Lampas eight o' clock na eh hinahanap na ako sa amin. Babay!" At agad siyang tumakbo paalis.
Paano ko ba pag-uusapan yung tungkol sa nangyari?
"Um... Hindi ba dapat galit ka pa sakin? Gawa nung nangyari?" Tanong ko.
"Hahaha. Ano ka ba? Kalimutan mo na iyon. Hindi naman ikaw ang may gawa eh. Yung Ex kong bakla ang may kasalanan." Sabi niya.
"Ex?"
"Ex! Wala na akong relasyon with 'Him' because we're over na."
"Hindi na kayo ni Jomar?"
"Hey! Ayoko nang marinig ang pangalan na iyan. Not now, not ever. Naiinis ako. Ipinagpalit niya ako sa bruhang iyon."
Grabe. Nagtagumpay ang unang bahagi ng plano namin ni Megan. Now what? Akin na ba si Nica?
"Anyway, we're still friends, right?" Tanong niya.
Oo, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Eh paano na si Jomar? Kaibigan ko pa rin ba siya? Natandaan ko kanina, noong akala ko na na-kidnap si Nica at Marque, humingi ako kay Jomar ng tulong. Nasaan na yung tulong na iyon? Mayroon bang kaibigan na hindi tumutulong?
"Of course we're still friends," sagot ko.
"Ikaw ba, kamusta na? Relationship yet?" Dagdag niyang tanong.
"No, wala pa eh,"
"Wala pa? Eh sino yung babaeng kasama mo kanina? Sobrang close niyo pero hindi kayo mag-syota?"
"No, hahaha. Talagang friends lang kami."
"That's good to hear."
That's good to hear? Anong ibig niyang sabihin?
"Ikaw ba, balak mag-boyfriend ulit?" Tanong ko.
"Well, depende sa'yo," ngumiti siya sa akin at naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
King of the Friendzone
Teen Fiction"Let's just be friends..." Kung kutsilyo ang mga salitang ito, matagal nang nasaksak ng maraming beses at napatay si Kiko. Bakit? Siya kasi ang 'Dakilang Best Friend'. Paano na kaya ang buhay pag-ibig kung lagi na lang nauuwi sa pagkakaibigan ang ba...