Chapter Two
Bagong Marka
Matagal ko nang tanggap na hindi ako ang para kay Nica, kahit masakit isipin na iniwan ako ng dalawa kong pinakamatalik na kaibigan dahil sa pag-ibig.
Balik sa katotohanan. Tumingin ako sa relo ko. Aba! Late na nga talaga ako! Sinimulan ko nang tumakbo, pa-zig-zag na umiiwas sa mga estudyanteng nagmamadali na rin.
Sa pagmamadali, nadali ko ang isang lalaking may hawak na maraming notebook. Kumalat ang mga gamit sa sahig.
"Corazon! Isa ka talagang henyo!" Pagalit na sinabi ng lalaki. Siya'y matapang ang dating, nakatirik ang buhok, may suot na three-fourths na sweater, at naka-hikaw pa. Siya 'yung tipong lalaki na feeling pogi pero hindi. Ang malas ko naman dahil kaklase ko siya.
"Late na tayo, Lloyd," sabi ko. "Tulungan na kita at lumakad na tayo." Niligpit ko ang mga nahulog na notebook. Nanatiling nakatayo si Lloyd.
Nang maayos ko ang lahat, inabot ko kay Lloyd ang mga notebook. Hinampas niya ang kamay ko at nanabog uli ang mga gamit.
"Oops. Patulong naman, Corazon." Sabi niya.
"Late na ako, Lloyd." Naglakad ako palayo, pero hinigit niya ang braso ko. Mahigpit ang kapit niya.
"Konting 'help' naman dito oh." Asar niya.
"KUYA!!!" Sigaw ng nasa likod ko.
Lumingon ako. May babaeng hindi ko kilala. Mukhang estudyante sa lower year level. Bagsak ang buhok niya na medyo brown. Medyo singkit ang mga mata niya. May konting pimples sa kanyang mukha. Pero higit sa lahat, ang puti niya - as in maputing maputi, parang foreigner.
"Kuya! 7:30 na ah! Dalawa pang late - suspension!" Sigaw niya. Ngayon ko lang napansin na naubos na ang mga estudyante sa corridor. Late na nga kami.
Nataranta si Lloyd. Dinakot niya ang mga notebook sa sahig at nagtatakbo paalis. Napangiti naman ako.
Nagpasalamat ako sa babaeng kapatid yata ni Lloyd. "Thank you, um..."
"Marque, grade 8..." Nakipag-fist bump siya sakin.
"Mark?"
"Oo, Marque!"
"Sinong babae ang pangalan ay Mark?!"
"Ako! M-A-R-Q-U-E ang spelling pero pronounced 'Mark'! Mahabang kwento. Gusto kasi ng parents ko ng lalaking anak. Well, sorry, girl-la-lu ang lumabas eh. And you are?"
BINABASA MO ANG
King of the Friendzone
Novela Juvenil"Let's just be friends..." Kung kutsilyo ang mga salitang ito, matagal nang nasaksak ng maraming beses at napatay si Kiko. Bakit? Siya kasi ang 'Dakilang Best Friend'. Paano na kaya ang buhay pag-ibig kung lagi na lang nauuwi sa pagkakaibigan ang ba...