Chapter Five
Imbitasyon
Tambay at walang magawa sa kwarto ko, binuklat ko ang aking laptop. Binuksan ko ang isang chat message na galing kay Alexa...
Alexa_18: Hi uli, Kiko! Haha ang akward naman, four years na tayong batch-mates pero ngayon lang tayo nagka-chat! Kamusta ka naman? Sorry nga pala sa nangyaring incident kahapon with my boyfriend. Medyo protective kasi siya eh! :D
Nakita ko na online siya, so sinagot ko na rin,
Kiefer: Haha, okay lang yun! Hindi mo naman kasalanan yun eh... XD
Alexa_18: Really? Thank you ha! Sana wag kang magalit sakin. :) I hope we can be close friends. ;)
Kiefer: Haha sige. XD
Inilabas ko ang listahan ng mga 'relationship options'. Nilagyan ko ng ekis ang pangalan ni Alexa. Bigla naman may bagong message na dumating sakin.
AkoSiMarque: Yow, kuya Kikow! :P
Kiefer: Hey. Hahaha. Gaano kalupit yung nangyari kahapon?
AkoSiMarque: Hahaha, oo nga eh. Di mo naman sinabi na may syota na pala si Ate Alexa, tsk-tsk.
Kiefer: Malay ko ba!? Hahah. Basta ang epic fail nun ih. XD
AkoSiMarque: Hayaan mo na. Sinong next sa list natin?
Kiefer: Si Erica Marie Santos. 4th year. Likes; Music, Writing, K-pop. Trivia; magaling sa piano at gitara
AkoSiMarque: Ito na ba ang next target? HahahaXD
Kiefer: I think so. XD Anong plano?
AkoSiMarque: Well, kung sure ka nawala siyang boyfriend, edi go! XD
° ° °
Kinatok ko ang pinto at pumasok ako sa music room. May narinig akong isang malumanay at nakaka-relax na tugtog sa piano. Napansin ko na walang tao sa loob maliban kay Marie na nakaupo sa isang grand piano, nakapikit at tumutugtog na parang may sariling mundo.
BINABASA MO ANG
King of the Friendzone
Teen Fiction"Let's just be friends..." Kung kutsilyo ang mga salitang ito, matagal nang nasaksak ng maraming beses at napatay si Kiko. Bakit? Siya kasi ang 'Dakilang Best Friend'. Paano na kaya ang buhay pag-ibig kung lagi na lang nauuwi sa pagkakaibigan ang ba...