Chapter Eight

17 0 0
                                    

Chapter Eight

 Ikalawang Hamon

Dinala ko sa cashier ang dalawang lata ng coke na parang walang nangyayari. Ramdam ko na sinusundan ako ng tingin ni Lance Talatala. Kanina pa niya ako tinititigan simula noong magkasalubong kami dito sa convenience store.

"79 pesos po lahat," sabi ng clerk. Inabot ko ang isang 100-peso bill at sinilid ng clerk ang mga inumin sa isang plastic bag.

Hindi ako tumitingin kay Lance, pero napansin kong palapit na siya sa cashier.

Shit. Bakit hindi pa niya ako harapin? Para matapos na itong lahat. Wala akong katulong sa sitwasyong ito. Wala na si Marque, nakauwi na. At kung aabot ito sa pisikalan, siguradong wala akong laban kay Lance.

Ibinagsak niya ang isang bote ng beer sa counter.

"Kamusta ka na, Corazon?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking plastic bag ng mga inumin.

"Okay lang naman. Ikaw, okay ka rin ba?" Pahayag ko. Kailangan ko na ng plano dahil ramdam ko na baka mapa-away ako.

"Ayos naman ako... Kaso, medyo masakit pa ang ulo ko eh. Pero humanga ako sa'yo, Corazon. Gawing distraction ang pag-bukol sa akin? Matalino. Ang problema... Sino ang tutulong sa iyo ngayon?" Binayaran niya ang beer. Tumingin ako sa isang relo sa pader, 6:15 na. Hindi ako maaaring gabihin. Dahan dahan akong naglakad palabas.

Binuksan ko ang pinto at naglakad pauwi. Nagdidilim na. Nakabukas na ang mga street light.

Biglang umakbay sa balikat ko si Lance. Bumunot siya ng piso sa bulsa niya at inalis ang tansan sa bote ng kanyang beer.

"Alam mo, hindi iyon nakakatuwa, Corazon," sabi ni Lance. "Pinilit mong makuha ang syota ko at pagkatapos ay ipinahiya mo ako sa harapan niya. Hindi nakakatuwa."

Bago ako makaiwas, ibinuhos ni Lance ang lahat ng beer sa ulo ko hanggang sa maubos ang laman ng bote.

"Hayop ka, Lance!" Sigaw ko. Tinulak ko siya palayo at piniga ko ang aking mga damit. Huli na, amoy lasing na tuloy ako. Kumapit sa akin ang amoy ng beer.

"HAHAHA! Akala mo hindi ako babawi, Corazon? Tignan natin kung makakauwi ka nang maaga ngayon." Tumawa pa siya nang matagal at naglakad palayo, iniwan akong naligo sa beer.

King of the FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon