Chapter 1:
KATHRYN'S POV:
Hay nako, ang hirap hirap talaga maging college. Maraming gawain. Kelangan focus na focus ka sa mga studies mo kung hindi, ikaw din yung magsisisi sa huli. Buti na lang may 2 weeks vacation kami bago mag 3rd semester.
"Hoy bakulaw! Lumabas ka na nga dyan! Kakain na tayo!" sigaw nitong mukhang butiki na ito. Kahit kailan talaga, istorbo sya sa buhay ko. Pati pag tutulog na ako, hihiga ako sa kama at titingin sa ceiling, nakikita ko sya dun. Ang dami nga nyang kauri eh. De joke lang.
Kahit ganon yon. Kahit itsurang butiki, mahal na mahal ko yung bestfriend kong yon.
"Hoy ano ba! Labas ka na sabi eh!" sigaw na naman nya with matching paghampas sa pinto ng kwarto.
"Oo na butiki! Lalabas na 'ko." sagot ko sa kanya at dumiretso ako sa cr para maghilamos. Nag toothbrush din ako syempre. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng yon, lumabas na ako sa kwarto.
"Ikaw talaga kahit kailan ang bagal bagal mong kumilos bakulaw ka!" sabi sa'kin ng mokong na 'to habang ginugulo ang buhok ko at nakaakbay pa.
"Che! Yung buhok ko nagugulo!" sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko. Ang hilig talaga nitong guluhin ang buhok ko. May gusto yata 'to sa'kin eh. Joke ulit.
"Eh kahit naman anong gawin mo dyan sa buhok, hindi na yan maaayos eh. Magulo na sadya." pang-aasar ng mokong na 'to habang bumababa kami sa hagdan.
"Excuse me! Kahit ano pang sabihin mo, maganda ako. Magandang maganda ako. Cute pa! Oh ha? San ka pa? Swerte mo nga eh, may best friend kang maganda, cute, matalino at sexy." pagmamayabang ko. Well sa totoo lang, di naman yon pagmamayabang kasi totoo naman talaga. Hello? Ako kaya ang hottest girl sa campus namin. Charot but that's true.
At eto, hanggang pag-upo namin sa upuan namin at kakain na, nag-aasaran pa din. Hay nako naman talaga.
"Napakahangin mo talaga! Alam mo, ang tagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung ano bang meron sa mga lalaki sa school natin at nagugustuhan ka. Eh tingnan mo naman yang katawan mo, katawang tingting naman. Hindi ka naman sexy eh. Tapos mukha ka pang bakulaw." pang-aasar na naman nya. Humagalpak pa ng tawa ang butiking 'to. Sya kaya ang laitin ko? Eh mas mukhang tingting pa nga sya sa'kin eh.
"Ano, pikon ka na? Ha? Pikon ka na?" hilig talagang mang-asar ng mokong na 'to. Wala na yata 'tong ginawa sa buhay kundi asarin ako ng asarin.
"Che! Pwede ba, kumain ka na lang ng kumain dyan para tumaba ka naman. Sa tuwing iimik ka, yung kinakain mo nawawala." pagbibiro ko sa kanya. Hahahahaha.
Napakunot naman ng noo ang mokong. "Ha? Bakit naman nawawala?" pagtatakang tanong nya.
"Eh kasi, pag iimik ka sa harap ko habang kumakain, tumatalsik lahat ng nginunguya mo sa mukha ko!" pang-aasar ko sa kanya sabay pagtawa ng kontrabida. Sya naman, nag make face na lang sa'kin. Hahahahaha. Wala na sigurong maibanat. Buti nga. Galing mang-asar eh, sya din naman pala ang talo sa huli. Hahahaha.
At eto, kumain na lang kami ng kumain. Daming pagkain na nakahanda dito eh, sayang naman kung hindi namin uubusin. Di ba?
Tutal kumakain na lang din kami, kumain na din kayo. De joke lang. Magpapakilala na muna ako sa inyo. Okay lang ba? Syempre okay lang naman sa inyo kasi ako bida dito eh. Ang daldal ko ba? Sorry. Eh sabi ko nga, eto na, magpapakilala na ako. Ehem.
"Bakit ka nage-ehem dyan?" singit nitong mukhang tingting na ito. Hindi ko na lang pinansin. Siniringan ko na lang. (A/N: Magpapakilala ka ba o hindi?)
BINABASA MO ANG
Unmeasurable Love (KathNiel)
FanfictionUL | "Si Daniel Padilla, ang best friend kong hindi ko inakalang mamahalin ko ng higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko inakala na ang isang mapang asar na kaibigan ay mahuhulog din sa akin." - Kathryn Bernardo | Ano kayang mangyayari sa kanila sa baw...