Chapter 4:
KATHRYN'S POV:
*AFTER 1 WEEK*
1 week na namin binabantayan at inaalagaan si daddy dito sa hospital. Masyado daw kasing workaholic kaya nagkakasakit.
Masyadong.. No, mali. PALAGING focus sa trabaho kaya palaging stress.
Hay. Pasukan na nga pala sa Ohkumps University. Siguro ang saya saya nila ngayon.
Ako lang yung wala ngayon sa barkada pati si Khalil. Magiging member na din 'to ng barkada noh.
"Ahhh... Chan, di ba, pupunta naman si Tita Min dito mamaya para alagaan ang daddy mo?" tanong sa'kin ni Khal na katabi ko ngayon habang naglalaptop ako.
"Yup. Why?" I asked.
"Uhm. Gusto ko sanang yayain kang kumain sa labas. You know, friendly date? If you want lang naman." yaya nya sa'kin. Sus, friendly date lang naman eh.
"Sure sure. Let's just wait for my mom at the moment." I answered with a smile.
"Yeah, sure. Thanks." sabi nya.
After that, naging silent na ang paligid. Pero ako, patuloy pa din sa paglalaptop.
"Hm. So... You miss them?" he started again the converstion. But what is he talking about?
Wait, napansin ko lang, nag states lang ako, napapadalas na ako mag-english. Wow. Hahaha.
"Who?" napakunot pa yung noo ko but my mind's still focuses with what I'm doing now. I'm chatting with someone. Hehehe.
"Yung friends mo si Pilipinas." sagot nya. Ahhhh. Yun palang mga yon ang tinutukoy nya.
"Yup. Super. Gusto ko na nga bumalik eh but we still have 3 weeks to stay here." sagot ko.
"Yeah. Mabilis lang naman ang 3 weeks eh. Wag mo lang hintayin. Kasi nga di ba kapag may hinihintay kang isang bagay, mas lalong bumabagal." Khal. He's right.
I just nodded.
Napansin kong kumibo si daddy kaya napatingin ako sa kanya. "Dad? You awake?" tanong ko sa kanya.
He just nodded. "I just need water." sabi nya.
Tumayo na ako at kumuha sa ref. Lumapit na ako kay daddy at ibinigay na yung tubig.
"Thanks." sabi nya after nyang uminom. "How's your school anak?" 1 week na kaming nandito at nag-uusap, ngayon nya lang natanong yan.
"Doing good." simple kong sagot.
"You better keep studying because everything I've done with my hardships, soon, all of those will be yours." sabi nya. So, ipapamana nya sa'kin yung company? Is he serious? Kaya ko ba yon?
Hindi na ako umimik. I just smiled at him.
Napansin kong lumapit si Khal sa amin. "Uhm... Tito, magpapaalam lang po sana ako sa inyo. Yayayain ko po kasi si Chan na kumain sa labas mamaya pagdating ni Tita." pagpapaalam nya. Nagulat naman ako dun kahit sanay na ako sa kanya.
"Sus. Oo naman. Hindi ka na naman iba sa amin. Wait, date ba yan? Pinopormahan mo na ba ang anak ko?" si daddy talaga, may sakit na nga, nakukuha pang magbiro.
"Daddy..." medyo na-awkwardan ako dun kaya napatungo ako.
"Haha. I was just kiddin'." Daddy. Napatawa na lang si Khal ng mahina.
BINABASA MO ANG
Unmeasurable Love (KathNiel)
FanfictionUL | "Si Daniel Padilla, ang best friend kong hindi ko inakalang mamahalin ko ng higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko inakala na ang isang mapang asar na kaibigan ay mahuhulog din sa akin." - Kathryn Bernardo | Ano kayang mangyayari sa kanila sa baw...