Chapter 2

36 1 0
                                    

Chapter 2:

 KATHRYN'S POV:

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kasama ko si Miles. Si Daniel naman nasa kanila, dun na daw matutulog.

"Chandy, sino ba yung Khal na yon? Ano real name nya? And he looks hot." tanong nya sa'kin habang nagcecellphone sya. Ako naman, naglalaptop.

"Sya nga yung childhood best friend ko." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Binaba ko muna yung laptop ko at tumingin kay Miles. "Khalil ang real name nya." dugtong ko.

"Anong surname?" tanong nya. Napaupo naman sya mula sa pagkakahiga nya. "Ay teka lang ha, anong ibig sabihin ng mga ngiting yan, ha? Wag mong sabihing..." sabi nya pero hindi na nya natuloy. Nakakaloko pa ang ngiti ha.

"Nung bata kasi kami sabi nya babalikan nya ako. At habang lumalaki tayo, nawawala na yung pag-asa ko na babalik pa talaga sya. Tapos eto, nagulat ako nung nakita ko sya sa sinehan." pagkekwento ko. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako nung bumalik sya. Hindi nya sinira yung pangako.

"May gusto ka ba sa kanya?" pagtataka nyang tanong. She's just staring at me like she's waiting for an answer.

"Nung bata ako? Oo. Pero ngayon? Ewan eh. Pero natutuwa ako nung bumalik sya." sabi ko. Ano nga ba talagang nararamdaman ko? Pakisagot readers please. Thanks.

"Eh pano kung may gusto sya sa'yo? Pano kung ligawan ka?" tanong nya ulit. Pakisabi, kailan matatapos ang pagtatanong nya?

"Eh di matutuwa siguro ako." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kung saan at nakangiti. Pero nabawi din yon at binalin ko ang tingin ko sa kanya. "Teka nga, bakit ba tanong ka ng tanong?" tanong ko din sa kanya.

"Wala naman. Eh pano si Daniel?" tanong ulit -___- sige lang.

"Anong pano si Daniel? Hoy kayo ngang dalawa ni Kuya Neil, tigil tigilan nyo kaming dalawa ni Daniel ha." sagot ko at tumayo sa kama para kuhanin yung picture namin ni Khal nung bata pa kami.

"Ano yan?" wooo. Walang katapusang tanong ba?

"Wala ka bang napapansin?" tanong ko din. Bawian lang. Hahaha.

"Napapansin na ano?" okay nagtanong na naman po sya. Kath naman kasi, bakit mo pa hindi dineretso, yan tuloy nagtanong ulit.

"Wala ka bang napapansin sa sarili mo? Puro ka na lang tanong. Hindi ka ba napapagod?" sabi ko sa kanya.

"Ha? Wala naman akong napapansin. Bakit?" tanong? Tanong? Tanong? Halata naman sa sarili nya na nagpipigil sya ng tawa eh. Pinagtitripan nya ba ko? Yung totoo?

Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Joke lang!" sabi nya at nag peace sign pa ang bruha.

"Oh eto yung picture namin ni Khal nung bata pa kami." sabi ko sa kanya sabay pakita nung picture namin.

"Alam mo, bagay kayo. Cute nyong dalawa." sabi nya. Syempre naman noh.

"Talaga!" sagot ko. Taas ng confidence eh.

DANIEL'S POV:

Ako: "Oy pare, tulungan mo naman ako please."

Diego: "Sige bro. Ako bahala. Tutal ka-close ko din naman yon eh."

Unmeasurable Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon