Chapter 7:
KATHRYN'S POV:
Nandito kami ngayon ng barkada sa likod ng gym.
"Hi Chan! Flowers for you." biglang sulpot nitong si Khal sa harapan namin. Wow. May flowers na naman?
"Ay. Thank you!" sabi ko sa kanya at nag smile at kinuha yung 3 flowers.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng 3 flowers na yan?" tanong nya sa'kin.
"What?" tanong ko.
"I.. LOVE.. YOU!" inisa isa nya pang itinuro yung bulaklak.
"Naks. Sweet mo naman." sabi ko sa kanya. Ewan ko ba, parang kinikilig ako na ewan.
"Hoy bakulaw. Nililigawan ka na pala nito? Kelan pa? At wala ka bang balak sabihin sa'kin yon?" biglang epal nitong si halimaw Daniel.
"Selos na ba ang tawag dyan?" epal ni Kuya Neil. Napatawa naman si Miles. Hindi namin kasama yung dalawang ugok na sina Diego at Dominic. Nagda-date yata yung dalawa eh.
"Anong selos? Hindi noh. Manahimik ka nga." balin nya kay Kuya Neil.
"Eh bakit ba? Bawat detalye ba na mangyayari sa buhay ko, kelangan kong sabihin sa'yo?" tanong ko sa kanya. Uhm, no. Not exactly tanong but ASAR.
"Eh sa malamang! Best friend mo ko oy!" sigaw nya sa'kin.
"Galit ka na? Galit ka na?" mainitin na yata ulo nito eh. Na-o-over charge ba pag nakakasama si Alexis kaya ganito? K.
"Baka magkapikunan kayo nyan ha." Khal.
"Not pikunan. Ang sabihin mo, baka magkadevelopan." Miles. Wow, kay Khal pa talaga sinabi ha?
Napatungo na lang si Khal sa sinabi ni Miles.
"Syempre joke lang yon! Wag ka nang malungkot!" sabi ni Kuya Neil kay Khal sabay akbay.
"Teka nga Chandy, kelan mo ba 'to balak sagutin?" tanong sa'kin ni Miles. What? Dun na agad?
Napansin ko na may binulong si Khal kay Kuya Neil. O__o si Kuya Neil naman, napa taas ng kilay.
"Hoy Khal, ano yung binulong mo kay Kuya Neil?" tanong ko.
"Bakit gusto mong malaman? Eh di ba nga sabi mo, hindi naman bawat detalye eh kelangan malaman. Tsk tsk tsk." Aish! Bakit ko pa kasi nasabi sabi yon.
Binelatan lang naman ako ni Daniel at Miles. Sige lang -_____-"
"Tara na nga lang sa mga klase natin. baka ma-late pa tayo. Sabihin pa eh nagcu-cutting tayo." yaya ni Daniel.
Sabay sabay na kaming tumayo. Magkaklase sina Kuya Neil at Miles sa ilang subjects nila including 1st class at kaklase ko naman si Daniel at Khal sa mga ilang subjects din kasama ang 1st subject.
************************************************************************************************
*SA CLASSROOM*
"Chan. Punta ka mamaya sa canteen ha?" sabi sa'kin ni Khalil na nagmula pa ang boses sa likuran ko. Ang katabi ko kasi sa upuan eh si Daniel.
I just nodded. "Wait, what time?" humarap ako sa kanya.
"9:30. Yun ang free time mo di 'ba?" sagot nya. Nag nod na lang ulit ako at umayos na ng upo.
Napansin ko si Daniel na tumingin sa'kin at...
BINABASA MO ANG
Unmeasurable Love (KathNiel)
FanfictionUL | "Si Daniel Padilla, ang best friend kong hindi ko inakalang mamahalin ko ng higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko inakala na ang isang mapang asar na kaibigan ay mahuhulog din sa akin." - Kathryn Bernardo | Ano kayang mangyayari sa kanila sa baw...