Chapter 5

11 1 0
                                    

Chapter 5:

KATHRYN'S POV:

2 weeks na kaming naka-stay dito sa States. May 2 weeks pa bago kami bumalik sa Pilipinas. Grabe, late na late na yata ako sa mga lessons eh.

By the way, nandito ulit ako sa hospital para bantayan ulit si daddy.

"Anak, nanliligaw na ba sa'yo si Khalil?" biglang tanong sa'kin ni daddy. What? How did he know?

"Po? Pano nyo po nalaman?" Okay, tinagalog ko lang yung nasa isip ko.

"Secret. Hahaha." hay nako daddy, kelan ba kita makakausap ng matino? Well, nakakausap naman kita ng matino.

What I mean is, tuwing mag uusap kami, palagi na lang may halong biro -____-" hindi ba pwedeng pag real talk ay real talk talaga? Hays.

Napapout na lang ako dun sa sinabi nya. "Si daddy talaga." sabi ko.

"Biro lang. Nagpaalam kasi si Khalil sa'kin kung pwede ka daw ligawan." kwento nya. Ha? Kelan naman kaya yon nagpaalam dito kay daddy?

"Eh ano pong sinabi nyo?" tanong ko sa kanya. Nakatitig ako sa kanya na parang naghihintay ng sagot.

"Sinabi ko na pwede naman at kilalang kilala ko na naman sya noon pa lang. Bata pa lang kayo, para na kayong mag-asawa kung magsama." Daddy. Grabe naman!

"Daddy naman! Itigil nyo nga po yang mga sinasabi nyo. Nakakahiya po kay Khalil." sabi ko. Feel ko tuloy namumula ako. Huhuhu. Grabe naman kasi, para laging walang preno kung magsalita sya.

"At bakit ka naman mahihiya? May feelings ka rin ba sa para kanya?" tanong ko sa kanya.

"Wala po dad. Sinabi ko nga po sa kanya na best friends na lang eh." kwento ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo ng daddy sa sinabi kong yon. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? "Bakit mo naman sinabi yon? Basted agad?" tanong nya na parang natatawa na ewan. Aish.

"Daddy naman eh. Hindi naman basted ang tawag dun eh. Sinabi ko lang yung gusto ko. Sinabi ko lang yung totoo na hanggang dun na lang muna kami." pagpapaliwanag ko sa kanya. Totoo naman eh, gusto ko hanggang best friends na lang muna kami.

"Anak, wag kang magsalita ng tapos. Bahala ka, ikaw din ang magsisisi sa huli. Tsaka, ganon na din ang tawag dun noh." pagpapaliwanag din nya.

"Hayyy. Ewan ko sa inyo dad. Pero alam nyo po, ang sweet sweet nya sa'kin. Mahilig po syang mag effort para sa'kin." sabi ko sa kanya at kinuha ko yung ipad ko at nag tingin na lang ng mga tweets.

"Naks naman. Eh yung best friend mo, si Daniel? Hindi ba yon nanliligaw sa'yo?" biglang tanong ng ganon ni daddy. Hayst. Palagi na lang.

"Hindi dad. May iba yung gusto noh. At tsaka, bakit po ba ang daming nag-aakala na boyfriend ko o nililigawan ako ni Daniel? Eh palagi nga kaming nag-aasaran." sagot ko sa kanya. Oo, wala na kaming ginawa kung hindi mag-asaran na lang ng mag-asaran.

Wala yatang araw na hindi kami nagkukulitan nun eh. Sya kasi malimit nagsisimula. Mehehe.

"Okay. Last time na umuwi kasi ako sa Pilipinas at magkasama kayo ni Daniel, mag-usap lang kayo parang may kinang na sa inyong mga mata. Tsaka alam mo ba, yung mga mahihilig mag asaran, sila pa yung nagkakatuluyan sa huli. At minsan, sila pala yung may nararamdaman at may care, hindi lang nila maamin sa mga sarili nila." so yon ang tingin nya sa amin?

Unmeasurable Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon