Chapter 6:
DANIEL'S POV:
"Hi Alexis! Good morning!" bati ko sa kanya at tinabihan sya sa upuan. Nakita ko sya dito sa may garden eh.
"Hello. Good morning din." bati nya with a cute smile. She pinched my cheeks.
"Ang hilig mo talagang pisilin ang cheeks ko." sabi ko sa kanya.
"Ang cute cute mo kasi." sabi nya sa'kin. Teka, joke ba 'yon? Namumula na ba 'ko? Huhu -___-"
"Namumula ka ah." sabi nya. Okay, namumula nga talaga.
Kasi naman, pag siya yung nagsasabi sa'kin ng mga ganyan, naa-awkward ako, namumula. Ewan ko ba kung bakit. Aish!
"Hehe." yan na lang nasabi ko. Napatungo na lang ako.
"Bakit ba hanggang ngayon eh nahihiya ka pa rin sa'kin?" tanong nya sa'kin at itinunghay nya ako.
"H-hindi ko nga alam eh." sagot ko ng nauutal. Psh.
"Wag ka na nga kasing mahiya. Friends na tayo di ba?" sabi nya sa'kin at tinapik ang left shoulder ko.
Daniel, please.. Lakasan mo naman ang loob mo pag kaharap mo sya. Nagmumukha ka kasing bakla pag namumula at na-awkward ka sa kanya.
Kaya ko 'to. I-cheer nyo 'ko please T__T kelangan ko ngayon ng supporters.
"Sige. Uhm, eto nga pala, flower for you." sabi ko at nag smile.
"Oh. Thank you. bakit mo 'ko binigyan nito? Nag-abala ka pa."
"Kasi you're special for me." sagot ko. Go Daniel. Lakasan mo na loob mo.
"What?" tanong nya. Ay, hindi nya narinig?
"I said, you're special to me. ulit ko sa kanya.
"Yeah. Narinig ko. I mean, bakit? Bakit ako special sa'yo?" okay, pahiya naman ako dun.
So, ano, sasabihin ko na ba? Guys, help me!! Sasabihin ko na ba talaga?!
Hays. No choice. Kelangan ko talaga ng lakas ng loob.
"A-ahh.. Ano.. Kasi gusto kita.." napatungo ako sa sinabi kong yon.
"Oh, eh bakit parang nahihiya kang sabihin?" tanong nya sa'kin.
"Hindi ako nahihiya. Natatakot lang..." sabi ko. Oo, natatakot talaga akong aminin sa kanya itong nararamdaman ko.
"Natatakot? Ha? Bakit naman?" pagtataka nyang tanong.
"Natatakot ako na baka ireject mo ako. Matagal na kasi akong may gusto sa'yo. Wala lang talaga akong lakas ng loob kaya eto lalo akong natakot na aminin sa'yo." paliwanag ko.
"Wag kang matakot, ano ka ba. Kung gusto mo talaga ang isang tao, lalakasan mo dapat ang loob mo at ipapakita mo sa kanya." sabi nya.
"Tama ka. Kaya maglalakas na ako ng loob magtanong sa'yo." hinawakan ko ang kamay nya. "Alexiis, pwede ba kitang ligawan?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." mabilis nyang sagot.
"Talaga?! Salamat!!!" at dahil sa sobra kong tuwa, nayakap ko sya. Grabe, akala ko noon ire-reject nya ako pero nagkamali ako. Pumayag sya!!
BINABASA MO ANG
Unmeasurable Love (KathNiel)
FanfictionUL | "Si Daniel Padilla, ang best friend kong hindi ko inakalang mamahalin ko ng higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko inakala na ang isang mapang asar na kaibigan ay mahuhulog din sa akin." - Kathryn Bernardo | Ano kayang mangyayari sa kanila sa baw...