Chapter 5
Lyka's POV
"Ang sakit ng ilong ko! Grabe ka namang makapisil!" sabi ko kay Jace. Nandito pa rin kasi kami.
"Ang cute mo kasi! haha" -Jace
Ang adik talaga nitong si Jace. Pero buti na lang sya lagi ang nagaapproach like Rain and Axel kundi baka emo na naman ako dahil sa nahihiya ako =___=
"Ahmm, sa tingin mo, saan ka mababa sa exam kanina? Anong subject?" -ako
"Siguro, math? Ewan! Mahina lang talaga ako dun!"
"Gusto mo turuan kita minsan? Ah, hindi naman sa minamaliit kita .. tinatanong ko lang naman para makatulong naman ako sayo."
"SIGE!!! Payag ako dyan! Kahit maliitin mo pa ako eh kung totoo naman di ba? Ayos lang! Pero nakakahiya naman sayo, baka makaabala pa ako."
"Naku! Hindi naman. At saka hindi naman ako mag-aaya kung makakasama rin sakin. Siguro, minsan minsan ko lang yun ginagawa."
Tumawa sya ng slight. Tapos pinisil na naman nya yung ilong ko.
"Haha. Ang cute mo talaga!" -Jace
Biglang dumating sina Axel, Rain at si sungit.
"Uy layks! Jace! Sensya na. Sa waiting room daw kami magpapahinga eh. Sorry di namin kayo makakasama." -Rain
"Hindi! Di ba pwede namang sumama si Lyka? Kasali sya di ba?" -Axel
"Ah oo nga pala. Sorry naman. Oh tara na?" -Rain
Sasama ba ako? Pero kawawa naman si Jace, malungkot na nga maiiwan pa ng tropa nya.
"Ah, hindi na lang muna ako sasama. Sasamahan ko na lang muna si Jace dito. Sige mauna na lang muna kayo." -ako
"Buti naman.." -bulong ni sungit. Grrrr! Ang sungit talaga! Ang taray niya!
"Ah ok. Sige. Una na kami." -Rain
Tapos umalis na yung tatlo.
"Ang sweet mo naman, you stayed with me instead of being with them huh?" -Jace
Aba, nang-asar pa eh sya na nga tong sinamahan?!
"Eh.. Ang galing mo naman pala sa english eh. hehe."
Wala lang akong masabi. Ano namang isasagot ko sa sinabi nyang sweet ako? Sweet din sya? Hala! Baka sabihin pa nya may gusto ako sa kanya!
"Oh anung iniisip mo jan at namumula ka? Ikaw talaga!" Sabay pisil na naman sa ilong ko.
"Ikaw! Nakakadami ka na ha! Tara na nga! Malapit nang magsimula yung next obstacle."
***
Nagsimula na yung pagpito ng pito nung prof. namin. Meaning another obstacle na naman ang magaganap.
Nasa gymnasium kami ngayon. Dito, may makikita kang boxing ring, basketball court, at mga kagamitan para sa mga gymnast ng school.
"Wow! Ang daming estudyante ah? Ang daming audience!" -ako
"Oo nga noh? Ano kayang susunod na pakulo ng MAPEH department?" -Jace
Ang daming manonood para sa next obstacle. Pagtingin ko sa relo ko 11:45 na. Siguro lunch break na nung mga manonood dito kaya pwede silang manood. Kaya rin pala, gutom na gutom na ako.
At speaking of gutom, narinig kong tumunog yung tyan ni Jace. Haha, gutom na rin!
"Gusto mo, kain muna tayo sa canteen?" -ako
"Ah, sige! Gutom ka na rin noh?"
Tumango na lang ako kaya naglakad na kami papuntang exit.
"Paging Ms. Dela Rosa, Lyka, we need you to come here on stage." -sabi nung isa atang teacher
Tumingin ako kay Jace.
"Sige, pumunta ka na dun. Wag mo kong alalahanin. Kailangan ka nila oh." -Jace
"Thanks"
Pumunta ako sa stage at kinausap ako ng prof ko. Pagtapos nun, naghanda na yung mga contenders para sa susunod na obstacle. Pumasok silang lahat sa boxing ring. Tapos yung iba naman nagstretching na dun.
Medyo mahirap tong round na to sa tingin ko.
Mga 10 mins. pagtapos akong kausapin ng prof namin, nagsalita na sya sa mic.
"Good afternoon sa inyong lahat. Magsisimula na tayo in a minute. Alam kong gutom na kayong lahat pero wag kayong mag-alala, pagtapos nitong round na to, pwede na kayong mag-lunch. Again, we'll start in 5 mins. Good luck!" -prof
5 mins pa pala. Binisita ko muna ang dela Cruz brothers. Haha :D Ayun, nagsabi lang ako ng good luck pati kay nico. Hinanap ko rin si Jace pero di ko sya makita.
Ayan na. Start na.
"Okay, ito ang instructions para marinig din ng mga audience. May 30 badges dyan na may numbers na 1 up to 30. You'll have to get one badge for yourself habang nasa loob kayo ng boxing ring. Don't worry, walang rules sa pagkuha ng badge, even may nakakuha na ng isang badge, pwedeng maagaw pa yun ng iba." -prof
Umupo muna ako sa seats para sa audience para mas mapanood ko ng maayos yung laban. Hinanap ko ulit si Jace, di ko pa rin sya nakita. Bahala na nga mamaya!
"Pag nakakuha na kayo ng badge, you'll have to proceed on basketball court. You have to
shoot 3 balls on the ring. Two over head throws, then dribble 5 times. And then do the slamdunk. Dahil nagkaroon ng problema ang ating gymnastics area, hindi na kayo tutuloy dun gaya ng napagusapan kanina contestants. So the first 25 na makatapos sa obstacle na to, sure na pasok na sa next round. Kahit 30 ang nakakuha ng badge, first 25 lang ang kukunin so your under time pressure."
Grabe yung speech ng prof namin, ang haba.
"Ah, nakalimutan kong sabihing there's no rules regarding sa pag-uunahan. Kung kaya nyo nga saktan ang isa't-isa, pwede. Magagamit nyo rin sa obstacle na ito ang alertness nyo kaya depende na sa inyo kung magpapabugbog kayo sa iba. So let's get it started. Referee!"
Pagsigaw ng prof namin ng 'referee', biglang pumito naman ang referee.
Kinakabahan ako para sa mga bago kong kaibigan pero isa na lang ang masasabi ko. Good luck!
~~~
Halooo, this is my promise na mguupdate up to date. ahaha. Plano ko po kasi na si Lyka lang ang may POV eh. Mas gusto po ba ng mga readers nito na lagyan ko rin ng POV yung ibang characters? Please naman po sana may magcomment. Thanks in advance :)

BINABASA MO ANG
Signed: Ms. Shy
Teen FictionHow about signing a contract in which you didn't even dream of? Living under the same roof with SUPER HOT GUYS ,then they will be falling in love with you? CURIOUS??? Read the prologue :)