Chapter 6
Lyka's POV
Nagsimula na ang obstacle. Naguunahan na silang lahat sa pagkuha ng mga badge na nakalapag lang sa gitna ng boxing ring. Dahil dun, may mga naipit sa may gitna. Tapos may natumba pa kaya naapakan sya. Buti na lang tinulungan sya ni Nico. Ang bait nya di ba?
Ayun, may mga nagsi-alisan na sa ring. Ibig sabihin, may mga nakakuha na ng badge. Ayun! Nakita ko na si sungit na lumabas. Pagtapos nya, ilang saglit pa nakita ko na rin si Axel. Hindi ko nakitang lumabas si Rain at Nico pero nakita ko silang tumatakbo na. Sa kabilang side lang siguro sila lumabas. Buti naman kasama sila sa 30.
Tapos tumakbo na sila papunta sa basketball court. (basketball area ng gym) Si Sungit yung pinaka-unang nakapag shoot ng bola. Ayokong bumilib sa kanya pero kasi ang galing nya. Naka-dalawa kaagad syang na-shoot na bola, walang sablay. Tapos yung slamdunk nya, pano ko ba sasabihin? Perfect? Ewan! Basta, sya na magaling! Tapos ayun, tumakbo na sya sa stage. Pero bago sya makarating, may humablot sa damit nyang lalaki tapos sinuntok sya! Pero gumanti naman sya, 2x na mas malakas pa ang ganti nya. Kaya ano pa? Tumba yung lalaki! Daya kasi! Bleeee :P tumakbo na ulit si Sungit patungong stage.
Tapos nagshoot na rin sina Axel, Rain at Nico. Si Axel, nung pangalawang tira, sumablay kaya kailangan nyang ulitin yun, pero awa ni GOD, pumasok na naman at tuloy nag-slamdunk na sya.
Si Rain naman, sa slamdunk nahirapan. Kaya inulit pa nya. Ang hirap nga eh kasi bago sya ulit nakapag-slamdunk ang dami nyang nakabunggo na mag-sslamdunk rin. Eh dalawa lang yung tinayo nilang artificial na ring so 3 lang ang ring na pwedeng gamitin.
Bumilib naman din ako kay Nico kasi perfect nyang naishoot yung dalawang tira at yung slamdunk nya. So tumakbo na rin sya patungong stage para makasama sa first 25. Kaso habang tumatakbo, may pumatid sa kanya. Grrrr! Nakakainis talaga! Kasi yung pumatid sa kanya ay yung same na lalaking sumuntok kay sungit! Napadapa si Nico. Tapos hinawakan nung lalaki yung paa ni Nico. Kaso ang dami nang nakakatakbo papuntang stage kaya pinilit nyang tanggalin yung kamay nung lalaki sa paa nya. Kaso ayaw matanggal. Kaya pinilit nyang gumapang pero pinukpok nung lalaki yung legs nya kaya napaaray sya saka naman tumayo yung lalaki at tumakbo papuntang stage.
Nakuha na ang first 25. Inannounce yung mga names. Syempre kasama sina Rain, Axel at syempre, si Sungit. Kaso...Si Nico.
Pinuntahan ko sya.
"Nico! Ayos ka lang ba?" -ako
"Ah, ayokong magsinungaling. Hindi masyado eh."
"tsk. Halika, dadalhin kita sa clinic. Mukhang nagkasprain ka!"
"Nico!" -Jace
"Jace! Tara dalhin natin sya sa clinic!" -ako
So pinagtulungan namin syang buhatin. Habang buhat namin sya, sinasabi nya kung anong masakit. At ayun nga hanggang ngayon, may sprain sya. Tapos ang sakit din daw ng kaliwang legs nya dahil sa pagkakapukpok sa kanya nung lalaki.
Speaking of lalaki, nakita namin syang lumabas ng gym. Meaning, di rin sya nakasali sa first 25! Buti nga! Ang sama kasi eh! Buti naunahan na sya ng iba! Hahaha :P
Pagdating namin dun sa clinic, namangha na naman ako sa laki. Parang hospital sa ganda rin yung clinic! Pero di ngayon ang oras para mamangha!
Inihiga namin sya ni Jace sa hospital bed tapos lumapit naman yung nurse sa kanya. Nakita na nya agad yung problema. Tapos kinwento namin ni Jace ang nangyari sa kanya habang ginagamot si Nico.
After a while, dumating din ang dela Cruz brothers. Nakita daw nila kaming nagpunta dito eh. Tapos kinwento na naman namin sa kanila ang nangyari. Nandun na pala kanina pa si Jace sa gym, kaso di na sya tumabi sakin kasi marami na akong katabing audience.
BINABASA MO ANG
Signed: Ms. Shy
Teen FictionHow about signing a contract in which you didn't even dream of? Living under the same roof with SUPER HOT GUYS ,then they will be falling in love with you? CURIOUS??? Read the prologue :)