Chapter 3
Lyka's POV
"Lyks! Okay ka na ba?" -Rain
"ahm..oo..wait lang!"
Lyks talaga? NVM! kinakabahan na talaga ako! First day ng pasukan para sakin ito. Second grading na kasi nila ngayon. Tatalon na ata puso ko!
Hinahanda ko lang yung bag ko sa living room. Sila kasing tatlo nasa may pintuan na, hinihintay ako. Eh hindi naman ako makakilos ng maayos kasi nanginginig yung kamay ko sa kaba!
"psh. Ang bagal." -Narinig ko mula kay Travis
Nakakaasar na sya ha?! Kita nang pinipilit kong magmadali kahit na nangangatal na ko sa kaba dito! Pero papalampasin ko muna to..Tutal nakabawi sya sakin sa pagbibigay ng pagkain sakin kaninang umaga e.
"Eto namang si kapatid! Init ng ulo mo boy!" -rain
"Cool lang dre!" -axel
"Tingnan mo nga si Lyks! Halos di na magkandaugaga sa pagpupulot ng mga gamit nya oh!" -Rain
"Syempre first time nya papasok dito! Be considerate naman kuya!" -Axel
"Napakaclumsy." -Travis
Clumsy?! Ako?! Ngayon lang ano! Kasi sobra kaba ko e! Lahat kasi ng mahawakan ko, halos, eh nababagsak ko sa kaba!
Tinulungan na ako ni Rain at Axel sa pag-aayos ng gamit. Pinulot ni Axel yung mga nahulog tapos binitbit naman ni Rain yung backpack ko sa kabilang side ng balikat nya kasi nasa kabila naman ung backpack nya
"Rain..Yung bag ko..akin na"
"Hindi ako na. Dapat nirerespeto ka kasi ikaw yung nagiisa naming prinsesa dito e" Rain
"Nakakahiya..sige na akin na yan" -ako
"Hindi..ayos lang talaga..tara na!"
Hindi na ako nakaangal.Makulit talaga kasi tong si Rain kaya pati tuloy yung kakambal nya nahahawa sa kanya..
Ay oo! Magkakambal sila ni Axel. Fraternal twins nga lang kaya d magkamukha. Tapos si sungit naman matanda lang ng 1 yr ata? ewan..wla akong paki sa kanya! Hmmp!
Pagdating namin sa classroom, nakatungo lang ako. Akala ko ligtas na ako yun pala hndi. Kailangan ko pang magpakilala sa harap nilang lahat kasama yung professor namin
"aahm..hi. Ako pala si Lyka. Magiging kaklase niyo ako. Sana, kung maaaari, maging friends tayong lahat"
Yung iba nagulat talaga..alam ko na iniisip nila..na bakla ako. Tsss..
"Ate! Isa ka bang kuya?" -sigaw nung isang lalaki sa may likuran
Nagtawanan naman lahat nung mga kaklase ko. Nakakahiya! Mukha ba talaga akong bakla?!
"Nico! Stop that! She's not a gay! Sorry Lyka, you may take your seat." -sabi nung prof namin
Buti pa yung prof. mabait..sana naman mababait dn mga kaklase ko..
Umupo ako dun sa free seat..kaso ang pangit ng position eh. ayos naman yung kaliwa ko, mukhang mabait ganun din yung sa harapan ko. Kaso!
Nasa right ko si....SUNGIT! Tapos yung nagtanong kung bakla ako ay nasa likuran ko! HAAAAY MALAS!
Pag-upo ko, nakatitig sakin si Sungit! Walang ekspresyon yung mukha nya kaya d ko malaman iniisip nya.
Bigla syang nagsalita
"Bakit dyan ka umupo?"
Ay..nakakayamot na talaga sya! Bakit ba? Ano bang masama sakin?! Lagi nya akong sinusungitan! Naiiyak na ako..

BINABASA MO ANG
Signed: Ms. Shy
Novela JuvenilHow about signing a contract in which you didn't even dream of? Living under the same roof with SUPER HOT GUYS ,then they will be falling in love with you? CURIOUS??? Read the prologue :)