Chapter 7

88 3 7
                                    

Chapter 7

Lyka's POV

"Sinong andyan?! Magpakita ka!"

Hala natatakot na ako! May nagsasalita nang di ko nakikita. Ayoko namang tingnan yung darkest area ng room na wala ka nang makikita kasi baka may white lady akong makita. 

"Natatakot ka ba sakin?"

Nagsalita na naman! Holoooo! Dumampot ako ng kahit anong nakita ko at ang una kong nahawakan ay isang jar na walang laman.

"Ano sa tingin mo?! Kung tao ka, magpakita ka na! Please wag mo akong papatayin! Kailangan ko pang buhayin ang pamilya ko!" -ako

Tapos may narinig akong tumawa. Tapos may lumabas sa dilim.

"Nakakatawa ka! hahaha..."

O_O

Grrrrr! 

Si sungit! Nakakainis sya! Kailangan bang manakot?!

"Ano namang nakakatawa sa mga sinabi ko ha? Bakit ka ba nananakot ha?! Pano kung bigla na lang akong inatake sa puso, ha?!"

"Unang-una, di naman ako nananakot. Pangalawa, hindi ka naman inatake di ba? At pangatlo, walang nakakatawa sa mga sinabi mo, ikaw mismo ang tinatawanan ko."

Kakainis! 

"Bakit ba kasi may sapatos sa pinto? Saka bakit ka naman nandito?"

"Kasi, sira ang lock ng pintong yan. Kaya nilagyan ko ng harang which is my shoes. Dito ko naglulunch."

tsss. okay. 

"Wait! Bakit di ka nagpapanic?! Nalock tayo oh. Di ba may next round pa?" -ako

"May magagawa ba ang pagpapanic? Oo kasali pa ako. Pero kailangan ka din dun di ba? So sa tingin ko, di magsstart ang next round hangga't wala ka. Kung di ka naman kasi nangialam..."

"Syempre! Kasi, baka may magnakaw ng sapatos mo eh! Sayang din noh! At saka, ang pangit naman kung pababayaan ko lang na may nakakalat sa daan."

"Wala na tayong magagawa. Wag mo na ngang sisihin ang sarili mo. Gumawa ka na lang ng paraan."

Tsss. Eh sino naman kaya ang naninisi sa akin? Grrrr!!!!

Umupo na uli sya para kumain. Naalala ko, hindi pa nga pala ako naglulunch! Anong oras na ba? 1:30?! Kaya naman pala eh. 

And speaking of gutom, tumunog na yung tyan ko sa sobrang gutom. Argh! Hindi naman marunong makisama si stomach eh!

"Hmmm."

Inabot ni sungit sakin yung lunch nya. Pero hindi pa rin sya tumitingin sakin.

"Ahh, hindi na. Baka naman lalo ka pang magalit sakin. Saka wag mo na kong alalahanin, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako nakulong dito kasama mo." -ako

"Sige na. Ayokong makakita ng babaeng namatay dahil sa gutom."

Psh. Haaay. Okay na sana eh. Gagaan na sana loob ko eh. Sarili pa rin nya iniisip nya? Haaay.

Kinuha ko na yung lunch nya. Sumubo ako. Wow naman! Ang sarap! Ay? Nakalimutan ko, ako pala ang nagluto ng lunch nya pati ng kambal.

Binigay ko na uli sa kanya yung lunch nya. Siguro naka-limang subo lang ako. Ayos na yun, atleast naibsan naman ang gutom ko. Saka, nakakahiya sa kanya.

"Ubusin mo na yan. Nakakain na ko. Salamat sa lunch naming tatlo. Masarap." -sungit

O_O Wooooow...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signed: Ms. ShyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon