Chapter 4

97 2 0
                                    

Chapter 4

Lyka's POV

Nakakakaba naman ang school na to! Laging may sorpresa! Ngayon kasi ang sinasabi ng MAPEH teacher namin na game. Ang game daw na ito ay ang makapagliligtas samin sa periodical test ngayong 2nd grading. Hindi nga lang daw ito ganoon kadali at basta na lang akong maisasayaw. Pano kaya yun magiging mahirap? Parang ang dali naman kasi isasayaw lang ako? Ewan ko lang rin ha.

Nandito nga pala kame ngayon sa napakalaking school grounds ng Golden Dragon University. Promise, malaki talaga. Nasa gitna kame ngayon ng kainitan kasi 10:05 ang time ngayon.

"Okay, sa tingin ko naman ay naintindihan niyo na ang lahat ng instructions ko. Okay, so we'll start the game after 10 minutes. Get ready." -MAPEH teacher namin, si Sir. Alvarez

"wooooh! Sana ako ang makapag-sayaw sayo Lyka!" -rain

"Mangarap ka na lang dyan! Ako ang makakapagsayaw kay Lyka noh!" -Jace

"Mga mukha nyo! Ako kaya!" -Axel

"Hindi! Ako kaya!" -Nico

Nyaaaks..Ang kukulit nilang lahat. Nga pala, hindi nga lang pala ang section namin ang kasali sa game. Lahat lang naman ng sections ng buong yr level namin ay kasali. Grabe di ba? Tapos ang mananalo lng sa game na ito ay syempre ako at yung makakapagsayaw sakin. Sino kaya ang mananalo? Mukha kasing lahat sila ay pursigido eh. Siguro ang hirap hirap magbigay ng test ng teacher namin kaya ganun.

"Lyka, nangangako akong ako ang makakapagsayaw sayo!" -rain

"ah..hehe..ok"-ako

"Kapal mo talaga!" -Jace

"Tara na nga magwarm up sa lobby!" -Axel

"Mabuti pa nga." -Nico

"Oh lyka my loves, dito ka lang muna ha? Magwawarm-up lang kame. Bye!" -Jace

"Tara na!" -rain

Kinaladkad naman ni Rain si Jace ng papingot. ahaha..nakakatuwa silang lahat. Buti kahit papano, may friends na rin ako. Akala ko talaga magiging loner at emo na ako dito eh. Salamat na lang sa kanila.

"Umayos ka mamaya sa game." 

WAAAH! Nagulat ako sa nagsalita! Paglingon ko sa likod ko, si sungit! Oo, si Travis sungit!

"H-Ha?" -ako

"Sabi ko, umayos ka mamaya sa game. Lahat kami dito gustong manalo at maexempted sa test. Kaya umayos ka." -sya

Tapos biglang umalis. nyeee?! Ganun lang yun?! Nakakatakot talaga sya. Bakit?! Ano sa tingin nya ang gagawin ko mamaya?! Magkakalat lang?! Eh wala nga daw akong gagawin sabi ng teacher namin kundi tumayo manood at hintayin ang makakapagsayaw sakin. Napaka..NAKAKAINIS NYA!!!

Naiwan na pala akong mag-isa dito sa ground. Sumunod muna ako sa lobby.

"One! Two! Sige pa!" -Jace

"Woooh! Ang daya mo naman Jace! Kame nagpapakahirap tapos kami tinetrain mo lang at nagbibilang?!" -Axel 

Tapos bigla nilang binato ng towel sa mukha si Jace.

"Ano ba?! Kayo na ngang tinutulungan dyan e! Tsaka di ko na yan kailangan noh! Ang first obstacle daw kasi natin ay isang written exam." -Jace

"HA?!" -Nico

"Eh bat di mo agad sinabi?!" -Axel

"Niloloko mo ba kami?! Eh bakit kailangan pa nating magwarm-up?! Tadyakan ka kaya namin jan!" -Rain

"Eh bakit? Tinanong nyo ba?" -Jace

Ayan, pinagkukutusan nila si Jace. Kawawa naman sa tropa nila si Jace. Laging nabubugbog. ahahaha..ang kulit kasi e.

Signed: Ms. ShyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon