Confession #1

1.7K 44 89
                                    

Bestfriend? Minahal kita ng sobra. Bawat ngiti na pinapakita mo sakin, masaya na 'ko. Bawat asar mo sakin, naiinis ako. Pero dito sa loob ko, ang saya-saya ko. Bakit? Kasi nasa aakin ang atensyon mo. Makalipas ng ibang oras, may nakita kitang ibang kasama.. Nagtatawanan kayo, naghahampasan pa kayo. I don't know what I feel.

Kailangan ko pa bang magselos? Hindi naman diba? Kasi walang tayo. But, I can't stop this fucking feelings. 'Yung tipong sa iba ang atensyon mo at ako naman nasasaktan. Hindi ako selfish. Parang ... Nagseselos talaga ako. Wala naman akong karapatan, kasi nga walang tayo.

Sabi mo sakin "Bakit hindi ka na namamansin?" kinalbit mo ko. Bakit hindi kita pinapansin? Kasi nasa iba ang atensyon mo. Ayaw kong makisawsaw sa mga magaganda nyong conversation. Nakakahiya naman kasi .. Ako kasi yung tipong dapat ikaw ang lalapit sakin na para bang kailangan mo ko.

Nung una, ako lang pinapansin mo. Iniisip ko na...

Ikaw na ba?

Crush mo 'ko?

Mahal nya kaya ako?

Umiikot yang mga tanong na yan na hindi ko masagot sagot. Kailangan kong tanungin 'yon sayo. Pero ayaw ko e. Nahihiya ako. Paano pag hindi diba? Masasaktan lang ako. I keep this
feeling. Pinipigilan ko na lang.

Nang tinanong mo sakin 'to.

Sinong crush mo?

Ikaw. Ikaw. Ikaw. Gusto ko man lang sabihin na ikaw. Pero wala talagang boses ang lumalabas sa bibig ko. Pinipigilan ng utak ko, pero ang puso ko. Gusto na talagang isigaw na ikaw ang Crush ko. Naisipan ko na lang na iba na lang sasabihin ko.

"Hmmm.. Si Charles ang crush ko."

I lied. Sinabi ko lang na sya ang crush ko.Pero ikaw.Ikaw naman talaga e ang gusto ko. Nakita ko naman sa mukha mo ang panghihinayang. Naiisip ko naman na, nagseselos ka kaya? Well, masyado na yata akong assuming.

Nasaktan kaya kita?

'Yung tipong yung crush mo ang nagtanong kung sinong crush mo.

A/N:
Lahat ng confessions dito ay Hindi copypaste.

-

Hugot (Love Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon