Scene #1

423 9 0
                                    

"Yessssss!"

Narinig ko ang sinigaw mo, kahit malayong malayo ako, naririnig ko ang boses mong masaya, ang sarap pakinggan.

Niyakap mo siya ng mahigpit. Ang puso ko naman ay sumisikip sa sobrang sakit. Niligawan mo siya, sinagot ka na niya. Ang tanga ko, kasi tinulungan pa kitang ligawan siya kahit ikaw ang mahal ko. Wala eh, wala akong magagawa. Kasi 'yon ang kaligayahan mo. Tinulungan kita sa gusto mong mangyari. At eto na ang ang ayaw kong mangyari, ang maging kayo ang hanggang sa huli.

Nakangiti ako habang tinitingnan ko ang mga ngiti niyo. Hinawakan mo ang pisngi niya at hinalikan. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman.

Hinila naman ako ng kaibigan ko.

"Jas, you're crying!"

Hinarap ko siya at ngumiti.

"Yes, masaya kaya ako!"

"Masaya ba 'yan? Tingnan mo nga 'yang mata mo! It's obvious na malungkot ka! Tara na nga, 'wag mo silang tingnan."

Nagmatigas pa rin ako sa pwesto ko. Sinilip ko pa rin sila sa likod ng kaibigan ko. Ang saya sobra nila na magkayakap.

"Don't stare at them! You are hurting yourself. Tanga ka ba?"

"Gusto ko lang kasing makita na masaya siya nang dahil saakin." pinunasan niya ang luha ko.

"Hindi ikaw ang nagpasaya sa kanya. 'Yung ex-girlfriend niya na girlfriend niya na ngayon ang nagpasaya sa kanya. Kaya let's go na! Umalis na tayo!"

"Oo, 'yun na nga eh! 'Yung ang lungkot lungkot niya 'pag wala siya. Kahit nandyan ako, siya lagi ang hinahanap niya. Alam mo kung ano 'yung masakit? 'Yung tipong nandyan ka pero hindi ikaw 'yung kailangan! Gusto ko siyang pasayahin pero hindi ko kaya. Kasi kailangan niya pa ang girlfriend niya para sumaya siya. Ginawa ko ang lahat, it's useless. So ginawa ko ang gusto niya. Pinaglapit ko silang ulit, hanggang sa ganyan na sila magmahalan. So, ayun nga. Napasaya ko siya diba? Ang tanga ko!"

"Bakit siya na lang lagi ang pinapasaya mo? Pinapasaya mo siya pero ang nagiging malungkot ka!"

"Who the hell care--"

"Ako, may pake ako sayo! Kaibigan kita kaya dapat kitang pasayahin. Totoo nga sinasabi mo, 'yung tipong nandyan ka pero hindi ikaw ang kailangan. Pero ako? Nandyan ako pero siya ang kailangan mo! Nasasaktan din ako kasi mismong ako ang kaibigan mo, hindi kita kayang pasayahin."

Umiling na lang ako sa sobrang tanga ko. Pinasaya ko siya. At sila naman ngayon ang masaya. Ayoko na.

"Bakit? Why are you trying to make me happy?"

"Kasi mahal kita kahit magkaibigan lang tayo! Kahit iba ang mahal mo Jasmine!"

Napapikit ako nang mariin.

Fuck you, destiny.

A/N:
Sorry na >_<

Hugot (Love Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon