Sa bawat ngiti niyo lamang ay may iba nang kahulugan. Sa bawat pagtingin niyo sa isa't isa ay para bang nag-mamahalan. Iniisip niyo na sana walang katapusan, naglalambingan. Ako naman? Nasasaktan.
"Hay! Nakakainis, paano ko pa 'to aaminin sa kaniya?!" Yan ang sinambit mo sakin sabay kamot sa 'yong ulo. May kaibigan tayo na babae. Masama na kung masama pero ako ang mas maganda sa kaniya. Pero ang puso mo ay nasa kaniya.
Hindi mo kasi maamin-amin ang 'yong nararamdaman. E, alam ko namang may nararamdaman kayo sa ISA'T ISA. Dine-deny niyo lang, nagkakahiyaan pa kayo. Ako lang naman ang naging tulay para mailakad at masimulan ang inyong relasyon.
Aaminin ko, nagseselos ako, nasasaktan. Parang sinasaktan ko lang sarili ko. Bakit pa kasi naging ganito? Bakit kailangan pa 'kong mainlove sa'yo?! Nakakabuwisit! Parang gustong batuhin ng bato ang Kupido. Paano ba iiwas sa 'yong pana?!
Nandito ako para sa'yo. Para sa inyo. Ako lang naman ang dahilan kung bakit kayo nag-kakausap. Minsan nga pinapabigay mo pa nga ang letter para sa kanya, at binigay ko din 'yon. Napakasakit. Parang sarili ko, sinasaktan ko. Tayong tatlo ang magkasama. Siya at ikaw, nagtatawanan. Ako? 'yon, naroon lang at nakikitawa.
"Ayiee." 'yan lamang ang tanging nasasabi ko. Tinutulak pa nga kita sa kaniya at kayong dalawa kinikilig naman. Akala mo, kinikilig ako? No, big no. Hindi. Hindi lahat ng sinasabi ko ay totoo. 'Yong mga sinasabi ko ay katumabas 'yon ng sakit, gaya ng salitang 'Ayiee.'
Minsan nga nag-aaway pa nga kayo, e. "Magbati na kasi kayo!" sabi ko sabay pout. Napansin ko kasi na para bang hindi na kayo nag papansinan. Kaya kita nakikitang laging nag-dadalamhati. Mas masakit para sakin ang malungkot ka nang dahil sa kaniya. Ayoko 'yon makita, gusto ko MAKITA KANG MASAYA, masaya pa din ako kahit nasasaktan ako. Ang sakit lang din dahil hindi kita kayang pasayahin namg AKO LANG, dapat merong SIYA para mapasaya ka. Tinry kong mapaglapit ulit kayong dalawa.
So ayon, nagbati na nga kayo. Bumalik na naman kayo sa dating kayo. Pero walang tayo, ako lang naman ang tagapag-ligtas lamang ng relasyon niyong dalawa. Bumalik din ulit ang matamis mong ngiti na dati ko pang inaasam, hindi naman dahil 'yon saakin, kundi dahil sa kaniya. Pero bakit hindi ko mailigtas ang sarili ko sa sakit? Bakit hindi ko ito maiwasan?
Tinanong mo 'ko.
"Okay ka lang?"
"Okay lang ako." Sige! Gano'n din talaga ang pagpapanggap ko. Pati sarili ko, niloloko ko. Kahit tinatanong mo lang ako na okay lang ako, alam ko namang wala ka namang pakealam sakin e! Masaya na 'ko kung masaya ka na ... sa piling ng iba.
Pag nakita ko lang ang ngiti mo nang dahil saakin, ang saya ko sobra. Pero nasasaktan ako at nag-dadalamhati kung ang 'yong ngiti mo ay nang dahil sa kanya, ang sakit lang.
Bawat asaran niyo, paghahampas niyo pa sa isa't isa, ang sweet niyo. Para ba kayong asukal at ako lang naman ang langgam. Langgam na gusto kong kainin ang ka-sweet-an ninyo.
Nandito ako para sayo, pag sinaktan ka nya, nandito pa din ako. Kahit kailangan mo 'ko, nandito pa din ako. Kung gusto mong may maka-usap, nandito lang din ako. Laging nasa tabi mo.
Iniisip ko kaya kung mawala sya sayo? alam ko namang malulungkot ka e. Kasi sya ang kaligayahan mo. Kung malungkot ka, malungkot din ako. Sya ang nagpapasaya sayo, at hindi ako. Bakit ko pa 'yon iniisip? Hindi ko desisyon kung sinuman ang magugustuhan mo, ang mahihiling ko lamang ay ako ang mamahalin mo.
Sa tuwing nag-aaway kayo, ako lagi ang narito para sayo. Nagbibigay ako ng advice para magkaayos kayo. Pagkalipas ng ibang araw. Bumalik na naman ang 'yong matatamis na ngiti. Masaya ako kahit papano na tinulungan kita.
Sa tingin ko .. kailangan ko talagang magmove-on. Nagtataka lang talaga ako, bakit kailangan kong magmove-on kahit walang tayo? Matagal ko naman kasi itong tinatago sayo. Ayaw kong sabihin dahil baka hindi mo 'ko pansinin or masira ang relasyon ninyong dalawa. Sa tingin ko hindi talaga ako ang nararapat sa'yo. Nararapat ka para sa KANIYA.
Basta kapag sinaktan ka nya, nandito lang ako para sayo.
[Edited]
--
A/N:Happy 2k reads. Thank you! :>