Selos? 'Yan ang pinaka-ayaw kong maramdaman. Selos ang isa sa mga consequences kung nagmahal ka. Actually, naramdaman ko na yan. Ang sakit diba?
Dito naman nagsimula ang pagseselos ko.
Ikaw. 'Active now' tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa. Inaasahan ko kasi na icha-chat mo 'ko. At napansin ko ding online din 'yung taong lagi mo ding pinapansin, kaya nagseselos ako. Naiisip ko din minsan na .. 'Nag-online sya para sa kanya. Hindi para sakin.'
Minsan talaga,Pag may mahal tayo. Nagiging assuming na talaga tayo. Umaasa ako. Bakit? Kasi para pinaparamdam mo sakin na mahalaga ka sakin. Pero pinaparamdam mo din sakanya. Okay. I'm too possesive. Ganon naman talaga 'yon e. Hindi ko maiitatangi.
Dahil 'don. Gusto kong buksan ang account mo para mabasa ko ang mga convo nyong dalawa. Ano kaya pinag-uusapan nila? Curious ako, sobra.
Tinatago ko lang 'tong feelings ko. Ni hindi ko nga masabi sa mga kaibigan ko. Kasi ang alam nila .. Iba ang crush ko. Hindi siya. Baka kasi pag nalaman nya. Iiwas sya. Baka naman mahal nya din ako? Ayan, assuming na naman ako.
Mahal kita sobra.
---