Sa pagtawag lamang ng pangalan mo. Agad akong lumingon, kasabay ng mga babaeng nagtitilian sa harap ko. Nakita kita sa likod ko, nakangiti. Bakit ako pa ang pinili mong ngitian? Mas lalo akong nagulat nang hinawakan mo ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala, hinawakan mo ang kamay ko sa harap ng mga babae'ng 'yon. Sobrang saya ko.
Hanggang sa naglapitan ang mga loob natin. Sabay tayong umuuwi, kumakain, at nag-aaral. Lagi nga tayong may night conversations eh. Walang tigil. Ikaw lang lagi ang kausap ko, ikaw naman? Ang bilis mong magreply saakin. Feeling ko tuloy, ako ang pinakaspecial na babae dito sa mundo. Tuwang-tuwa na ako ang pinili mo.
"I have something to tell you."
Kinabahan ako at lumakas bigla ang pintig ng puso ko. Ito na ba? Aamin ka na ba? Na may feelings ka saakin? "I like you. **** I love you."
Inaalala ko ang gabing 'yon sabay talon sa kama ko. Inamin ko din na mahal kita. Sobrang saya ko nun. Hanggang sa mas naging close na tayo. MU feelings nga lang, diba?
Hanggang sa nakita kita .. may kahalikang babae. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang pagseselos. Bakit? Bakit mo 'to ginagawa saakin? Akala ko ba .. mahal mo ako?
Gusto ko sanang sampalin ka pero pinipigilan 'yon ng puso ko. Naiiyak ako sa nararadaman ko ngayon. Bakit pinipigilan ako? Bakit nga ba? Oo nga pala, walang tayo diba? Sino ba ako para pigilan sa ginagawa mo? Walang akong karapatan para pigilan ka. Walang tayo, hindi ka nag-akyat ng ligaw saakin. May nararadaman tayo sa isa't isa pero walang tayo.
Napapikit ako at tumalikod na lang. Kung mahal mo ako, hindi ka lalandi sa iba. Akala ko tuloy, ako lang ang mahal mo. Bakit? Bakit ganoon na lang ang makikita ko?
Nakahiga pa rin ako at maraming iniisip, ikaw lang din naman lagi ang nandito sa utak ko. Tinakpan ko na lang ng unan ang mukha ko. Pinipigilan kong umiyak. Marami ka na ding missed calls dahil hindi ko 'yon sinasagot. Nagagalit pa rin ako sayo. Feeling ko tuloy, parang ako 'yong girlfriend mo na nagtatampo sayo. Oo nga pala, walang tayo.
Hanggang sa nakita kita, marami kang nakakasamang babae. Sa oras na 'yon, ako dapat ang kasama mo. Pero bakit ngayon? Bakit biglang nag-iba? Nakita ko sa mga mata mo na sobrang saya mo na nakasama sila. Naiinis ako kapag nagseselos ako. Umasa ako na lalayuan mo sila nang nagtama ang ating paningin, ngunit iniwasan mo lang 'yon. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kutsara ko.
Sobrang mahal kita.
Napahawak na lang ako ng mabuti sa hawak kong bouquet roses. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay mo. Oo, ako ang aakyat ng ligaw sayo. Nakakatawa, ano? Mismong babae pa ang mangliligaw sayo. Desperada na ako masyado. Wala eh, ganyan ang pagmamahal ko sayo. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang lumabas kayo. Nakita ko ang isang babae, maganda siya. Mas tutuusin, mas maganda siya kaysa saakin. Nakita ko pa ang dalawa niyong kamay na magkahawak.
Tiningnan ako ng babae at ikaw naman ay parang nagulat na nandito ako.
"OMG, ****** who is she?" tanong pa ng babae. Tiningnan mo pa ako at nag-aalinlangan ka pang sagutin 'yon.
"Don't mind her. She is just my friend."
Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak. Tumulo ang mga luha ko at agad akong tumakbo. Bakit ganyan ka? Kaibigan mo lang ako? Kaibigan lang ba na mag-sabi saakin na mahal kita, i like you, at kung anu-ano pang sweet words. Pinaramdam mo saakin kung gaano ako kahalaga sa buhay mo. At naman pala ang tanga na naniniwala sayo. Siguro ako lang ang isa sa mga babaeng napaglaruan mo.
Mahirap ang sitwasyong may ka-MU. Bakit? Kasi hindi mo alam kung anong limitations mo. Kung dapat ba, kailangan mong magselos, magtampo, or magalit kung may kasama siyang iba. Bakit? Kasinga walang kayo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Mas mabuti kung lilinawin niyo ang relasyon niyo. Hindi kagaya saamin, magulo. Mas mabuti na lang kung in-relationship kayo, kasi alam mo ang place mo. May karapatan kang magselos. Kung ayaw na niya, break na kayo agad. Kapag ka-MU? hindi mo alam kung saan pa ba hahantong 'tong pagsasama diba? Hindi mo alam kung mahal ka pa ba niya. Alamin mo kung anong meron kayo, alamin mo kung ano siya para sayo.
Saakin lang kasi? Kaibigan niya lang pala ako.
-
Happy 63k reads!