Confession #3

1.4K 35 8
                                    

"Hindi na 'ko aasa."

Oo, lagi ko 'yan sinasabi sa isip ko. Hindi na 'ko aasa. Pero .. hindi ko naman 'yan nagagawa at natutupad. Hindi dahil sakin. Dahil mismo sayo.

Bakit? Kasi pinaparamdam mo 'yong mga bagay na pwede kong bigyan ng ibang kahulugan. Umiiwas ako sa'yo dahil ayaw kong masaktan. Ayaw kong maging close tayo dahil ako lang ang talo. Ayaw ko din na may bumabagabag sa isip ko kundi ikaw lang. Kasi .. may pag may kasama kang iba. Parang tinutusok ng milyong carayom ang puso ko sa sobrang sakit.

Ayaw ko 'yon maramdaman kaya kita iniiwasan. Pero sadyang ika'y mapilit. Pinapansin mo 'ko lagi kaya aasa na naman ako. PLEASE. Kung may nararamdaman ako sa'yo, at wala ka namang nararamdaman para sakin. Iwasan mo 'ko. Ayaw kong masaktan sa mga ginagawa mo na pwede kong bigyan ng ibang kahulugan.

Sa bawat asaran natin at kwentuhan natin. Parang may nararamdaman akong spark. 'Yong tipong parang tayo lang ang nasa mundo. Ang sarap sa pakiramdam. 'Yong tipong kasama kita at masaya tayong dalawa. Sana ganoon na lang lagi. Dahil mahal kita, at aasa na naman ako.

Pero kapag may kasama kang iba, nasasaktan ako. Ayaw kong lumapit sa inyo. 'Yong para bang merong tayo. Ano ba ako sayo?

Kaibigan lang.

Ang sakit, sobra. Sana una pa lang, hindi mo na 'ko pinansin. Sa dinami-dami ng moments natin, tapos magiging ganoon na lang ang mangyayari. Nasasayang lang talaga. Kung pwede kong ibalik yon. Ibinalik ko na talaga. Matatanggap ko naman kung hindi ako para sayo. Basta hayaan mo lamang akong layuan kita. Ayaw kong masaktan.

---

Hugot (Love Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon