Ariana's POV
Pababa na ako ng hagdan ng habulin ako ni auntie. Ngunit di niya iyon nagawa dahil pinigilan siya ni tito. Kitang kita ko ang awa sa mukha ni auntie. Alam kong ayaw niya akong paalisin ngunit alam naming pareho na di sasang-ayon si tito. Dahil simula ng mawala si mama si tito na ang ang bumuhay sa amin at siya na rin ang nasusunod. Magpumiglas man kami wala pa rin kaming magagawa.
Tanging mga lumang litrato at lumang damit na lang ang naiwan sa akin ni mama. Namimis ko na si mama pero alam ko namang kahit umiyak man ako ng todong-todo di parin siya babalik sa aking piling.
Sumilong muna ako sa isang tindahan at nagpahinga. Tiningnan ko ang aking wallet at napagtantoang wala pala akong dalang pera. Nakalimutan ko nga palang humingi ng pera kay auntie pero kahit humingi man ako ng pera kay auntie paniguradong pipigilan na naman iyon ni tito.
Kung maghanap na lang muna kaya ako ng trabaho ng sa ganun may mapagkitaan ako.Maya-maya pa ay nakakita ako ng poster na nakadikit sa isang poste. Agad ko itong tiningnan. Nangangailangan daw sila ng waiter at ang requirements ay dapat high school graduate and knows how to speak English. Mukhang pwede ako dito. Agad kong inayos ang mga gamit ko at nagtungo sa nakasaad na lokasyon dito sa poster na nakita ko.
Pagdating ko sa ay agad kong tinanong ang gwardya.
"May bakante pa po bang trabaho?"
Sambit ko habang habang pinapakita ang kapiraso ng papel na nakita ko kanina."Sorry ineng pero wala eh. Dun ka na lang oh."
Sabay turo sa isang gusali na nasa harap lang ng fastfood chain na kasalukuyan kong pinag-aaplayan.
"Baka meron pa silang bakanteng trabaho"
Dagdag pa nito.Agad kong pinuntahan ang gusaling tinuro ng gwardya. Pag dating ko sa gusaling tinuro ng gwardya agad sumalubong sa akin ang isang crew na naka uniform pa.
"Ano pong kailangan nila?"
Tanong nito sa akin."May bakante pa po bangtrabaho? "
Tanong ko.Agad niyang tinanong ang isang babaeng crew. At maya-maya pa ay kinalatis na nila ako mula ulo hanggang paa.
"Sorry, pero wala na. Dun ka na lang."
Sambit nito sabay turo sa isang gusali na nagngangalang Buenaventura group of companies."Ahhmmm salamat po"
Agad kong pinuntahan ang gusaling tinuro ng crew. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa gusali ay di inaasahang nadatnan ko ang grupo ng magkakaibigan na tuwang tuwa habang dala-dala nila ang kanilang mga resume. Siguro nagkakaubusan na ng mga slots baka di na ako matanggap. Di bale na susubukan ko pa rin.
Nakapasok na ako sa loob ng gusali. Agad kong tinanong ang isa sa mga trabahante dito at nagbabasakaling may makukuha pa akong trabaho.
"May bakante pa po bang trabaho?"
"Sorry ineng pero wala eh. Maghanap ka na lang sa iba at baka meron pa sila."
Di ko na napigilan ang bibig kong magsalita.
"Maawa naman po kayo, pinalayas ako at tanging damit lang ang dala ko maging pera wala ako. Parang-awa niyo na po kahit maging janitress lang po okay na sa akin iyon.please."
Pag susu-amo ko."Ok,sige."
Napatalon ako sa tuwa ng sinabi niya 'yon. Agad niyang tinawag ang isang lalaking crew. At ipinasama ako sa kanya. Habang naglalakad kami sa isang madilim na hallway napapansin ko ang mga titig niya sa dib dib ko. Agad ko itong tinabunan dahilan para di niya 'to makita.
Maya-maya pa ay huminto kami na panandali at pumasok sa isang madilim na silid na walang tao. Agad niyang binuksan ang ilaw at isinarado ang pinto. Di ko na mapigilang kabahan at itanong kung bakit kami nandito.
"Bakit tayo nandito? "
Kinakabahan kong sambit.Di siya sumagot at sa halip ay lumapit siya sa akin.
"B-bakit tayo nan-"
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong isinandal sa pader at ninakawan ng halik sa magkabilang leeg ko. Napaiyak na lang ako sa takot subukan ko mang sumigaw di ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng kamay niya. Maya-maya pa ay magpumiglas ako dahilan upang magisi ang blouse ko. At nung nakalaya na ako mula sa kanya ay agad akong tumakbo ng mabilis at humingi tulong. Patuloy parin siya sa paghabol sa akin. Hanggang sa makarating kami sa may bandang entrance at dun ay nahagip niya ang braso Ko at sinandal sa pader buti nalang at nakasigaw ako dahilan upang marinig iyon ng gwardya.
Mabuti nalang at napaghiwalay kaming dalawa ng gwardya. Maya-maya pa ay dumating ang isang babae at pinag-paliwanag ang lalaking nagtangkang gahasain ako.
"Bakit mo ginawa yon?"
Tanong babae kanina."Wala po akong ginagawang masama kusa siyang naki pagtalik sa akin."
Pagpapaliwanag ng lalaking nagtangkang gahasain ako.Napakawalanghiya niya matapos niya akong pagtangkaang gahasain 'eto pa ang sasabihin niya. Napaiyak na lang ako sa mga sinabi niya.
"Sinungaling"
Galit at naiiyak kong sabi sa kanya."Wag kang ma--"
Di niya na patuloy ang sasabihin niya ng pigilan siya ng babae kanina na sa tingin ko ay amo nila."Wag ka nang magpaliwanag mr. Cortez you're FIRED!!!"
"Pag babayaran mo 'to"
Sabay turo niya sa akin habang siya ay papaalis."Okay ka lang ba? Pagpasensyahan mo na siya ganun talaga iyong lalaking iyon."
Pagpasensyahan? Sa ginawa niya? Sa tingin niya mapagpapasensyahan ko pa siya sa muntikan niyang paggahasa sa akin. Mabuti na lang talaga at dumating 'tong amo nila at ang gwardya kung hindi siguradong sira na ang buhay ko ngayon.
"Ahhmmm opo ma'am . Salamat din po pala ma'am Buenaventura ."
Aktong paalis na ako ng bigla niya akong pigilan.
"I'm not a Buenaventura but isa ako sa may-ari ng kumpanya. And I heard nangangailangan ka daw ng trabaho?"
"Opo, kaso wala napong bakante eh. Matanong ko nga lang po sino po ang nakapagsabi sayo na kailangan ko ng trabaho?"
"Ahmmm yung trabahanteng nakausap mo kanina. And so back to the topic sa akin ka na lang magtrabaho 8 thousand pesos per month"
Napanganga ako sa sinabi niya. As in 8 thousand pesos. Anong klaseng trabaho rin naman kaya yan?
"Ahhh opo, pero ano naman pong klaseng trabaho 'yan?"
"Stay in housemaid."
"Sige po payag po na ako"
"Gusto mo bang sumama sa amin para makapagsimula ka na?"
"Opo, sige po.
**********************
BINABASA MO ANG
My EX is My BOSS
Teen FictionWhen Ariana loses everything. She did everything just to survive until she suddenly met Kurt, her ex and became her boss. Will they learn to love each other again or will they end up EX AGAIN.