The deal,
Ariana's POV
Pababa na ako ngayon ng hagdan at mas kakaiba ang nadatnan ko ngayon. Wala pang masyadong maid ang nandito ngayon di katulad dati na maaga pa lang busy na sila. Siguro dahil maaga lang akong nagising kaya ganun. Kung magsimula nalang kaya akong maglinis kaysa sa tumunganga lang ako dito.
Agad kong kinuha ang mga cleaning paraphernalia at nagsimulang maglinis. Una kong trinapohan ang mga bintana at sunod ay nag mop ng sahig. Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita.
"Ariana."
"Akala ko ba naman kung sino ikaw lang pala yan Sandy." Kinakabahan kong sambit.
Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa puntong halos mabingi na ang mga tenga ko. Minsan talaga napapaisip ako kung baliw ba talaga ang babeng 'to. Kung tumawa ba naman wagas kahit wala namang nakakatawa.
"Ariana pwede bang magtanong?"
Tanong ni Sandy."At ano naman ang itatanong mo?"
"Kilala mo si Kurt?"
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
As in si Kurt."B-bakit? "
Nauutal kong sambit."Napaisip lang ako."
"At bakit mo naman naisip iyon?"
Tanong ko kay Sandy."Kasi siya kasi ang bumuhat sayo nung nakaraang araw. Kaya nag babasakali lang ako kung may kuneksyon ba kayong dalawa."
Binuhat ako ni Kurt nung nakaraang araw. Yung araw kung kailan niya ako nadatnan sa kwarto niya. Akala ko ba iba ang nagdala sa akin sa kwarto. Ang gulo naman.
"Wala naman."
Ang tanging salita na lumabas sa bibig ko."Sigurado kabang wala kang tinatagong sikreto sa akin?" Tanong niya sa akin. "Kasi kahapon lang din sinabi mo aalis ka di kaya gusto mo lang umalis dahil gusto mong takasan ang gulong pinasok mo?" Dagdag pa nito.
Papaano niya nalaman. Di niya 'to pwedeng basta-basta na lang malaman. Kailangan ko munang itago sa kanila ang kung ano mang meron kami ni Kurt sa nakaraan ng isang buwan. Dahil pagkatapos ng isang buwan pwede na akong umalis dito at maging malaya.
"Ahhmmm baka naman coincidence lang yun."
"Baka nga p-"
Di niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita.
"Buti pa mag linis na lang tayo."
Mabuti na lang at tumigil na siyang magtanong. Dahil kung nagpatuloy pa siya siguradong malalaman niya na talaga ang mga sikreto ko.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba pang mga maids. At nagsimulang maglinis.
Pagkatapos kong maglinis nagpahinga muna ako ng sandali.
Aktong paalis na ako mula sa kinauupoan ko ng bigla akong natumba. Di ko alam kung bakit ako natumba basta ang alam ko lang masakit ang epekto nun sa akin. Nung naka recover na ako mula sa sakit agad din akong tumayo mula sa pagkakahiga ko.
Maya-maya pa ay nag si takbuhan ang mga maid papunta sa akin. Ay di pala papunta pala kay ate. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagiging seryoso kaya pumunta na rin ako.
Nung nakarating na kaming lahat sa pinaroroonan ni ate ay nagsimula na siyang magsalita.
"I would like to introduce my son Kurt." Panimula niya.
"My son and I will have a vacation for 5 days and gusto naming magsama ng dalawang maid" Dagdag pa nito.Kapansin-pansin din na nagbubulungan ang ibang mga maids ang iba naman ay sobrang excited. While ako naman walang pake.
"I want Sandy and Ariana to come with us." Sambit ni Kurt habang nakatingin sa aming dalawa. Agad ding umalis ang ibang maid ganun na rin si Kurt at si ate. Ako nalang ang naiwan dito at di parin makapaniwala sa nangyari. Nagbibiro ba siya? Halos mapatalon ako sa gulat ng bumungad sa harapan ko si Sandy.
At agad binira ang braso ko."Tara na maglinis na tayo." Sambit ni Sandy.
Pagkatapos naming maglinis nagtungo agad kaming dalawa ni Sandy sa kwarto upang mag pahinga.
"Ariana. "
"O ano na naman?" Tanong ko kay Sandy.
"Aminin mo nga ano ba ang relasyon niyo ni kurt?"
"Wala n-nga?" Madiin kong sambit.
"Eh bakit ganun siya kung makatingin sayo at bakit ka rin niya isasama sa vacation nila. Dahil ang alam ko ang mga taong mapagkakatiwalaan lang ang sinasama nila sa vacation."
"B-bakit di ba ako trusted ?"
"Di naman sa ganun what I mean lang is bakit ka niya agad pagkakatiwalaan kung bagohan ka lang."
Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi ang umamin. OMG. you can do this Ariana. Ang lihim na kinaingat ingatan ko ngayon malalaman na ng kaibigan ko.
"Sabihin mo Ariana kung ayaw mong mawalan ng kaibigan." Pagbabanta ni Sandy.
Ok.......
"Ganito kasi yun Kurt is my ex and iniwan ko siya dahil ayokong mag-hirap siya dahil pag nalaman ng nanay niya na may namamagitan sa amin siguradong itatakwil niya si Kurt." Sambit ko habang pinipikit ang mga mata ko.
"Ahhmm....uhhh.....ahhh..jhhh..hh..he..........aaaaaaannnn........!!!???????ooooooo........eeeeeeexxxxx mo si Sir K-ku-kur-kurt!!!" Hysterical niyang sambit.
Agad kong tinakpan ang bibig ni Sandy upang di marinig ng ibang maid ang pinaguusapan namin.
"Oo at wag na wag mong sasabihin sa iba dahil pag nakarating ito kay ma'am siguradong papagalitan ako nun at papalayasin. PLEASE."
"Ok your secret is safe pero kay kailangan mong mangako muna sa akin."
"At anong pangako naman yan?"
"Ipangako mong hindi ka na muling mahuhulog kay Sir Kurt."
"At bakit naman?"
Dahan-dahang lumapit si Sandy sa may bandang tenga ko at may ibinulong.
"Gusto ko siya." Bulong ni Sandy sa akin.
Natigagal ako sa sinabi niya at tila di makagalaw. Maya-maya pa ay tumango na lang ako na parang bata na sunod sunuran sa mga magulang. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Sandy.
Si Sandy magkakagusto kay Kurt. I mean di naman siya pangit sa totoo nga maganda siya sobrang ganda at sexy pa yung tipong coca cola body. Morena nga lang. Pero black is beauty. Ika nga nila.Wala naman sigurong malisya diba? di niya naman ako mahal at naka move-on na rin siya. So if there's no problem then deal.
As long as di na bumalik ang past.
At bakit ko nga pala pinoproblema 'to we're already done as in "done" ...
@@@@@@@@@@@@@
Hope you liked it. 😉😉😉
Muah muah 😘😘😘
love lots. 💞💞💞
BINABASA MO ANG
My EX is My BOSS
JugendliteraturWhen Ariana loses everything. She did everything just to survive until she suddenly met Kurt, her ex and became her boss. Will they learn to love each other again or will they end up EX AGAIN.