chapter 1

1.8K 23 0
                                    


The meeting,

Ariana's POV

Nakapasok na kami sa sasakyan at kasalukuyang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng bago kong amo.
Maya-maya pa ay biglang nabasag ang katahimikan ng bigla siyang nagsalita.

"Hija ako nga pala si Maria Cristina De la Vega. You can call me ate."

Pag-uumpisa niya.

"Eh ikaw anong pangalan mo?"

Dagdag pa nito.

"Ahhmmm ako po si Ariana de la cruz.  20 years old."
Tugon ko.

"Ahhh... nagkakilala na ba tayo dati? Pamilyar ka kasi eh."

"Ahh. Baka coincidence lang po."

"Siguro."

Pero aaminin ko para bang nagkita na kami dati. Pero di ko alam kung kailan at papaano.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa mansion ng mga De la Vega. Ang gara at ang ganda ng mansion. Tapos ang  gate nila automatic pa. De gwardya pa sila. Sa harap ng mansion nila may pa-fountain pa. Entrance pa lang malalaman mo nang mayaman ang nakatira dito. Pagpasok namin sa loob ay binungad agad kami ng dose-dosenang mga maid. Di ko inaakalang ganito ka laki ang mansion nila. Tapos ang gara pa ng hadan nilang spiral. Dagdagan mo pa ng chandelier na kay laki-laki. Di mo talaga mapagkakaila na mayaman ang angkan nila. At sa laki ng mansion di mo rin mapagkakaila na talagang nangangailangan sila ng maraming maid.

Maya-maya pa ay ipinakilala na ako ni ate sa iba pang mga trabahante.

"Meet Ariana, siya ang papalit kay Lovely. Ituring niyo siya ng mabuti gaya ng pagturing niyo kay Lovely."

Maya-maya pa ay tinawag ni ate ang isang maid upang bigyan ako ng maliit na tour at ipaalam sa akin ang mga rules dito sa bahay.

"Hi ako nga pala si Daisy."
Sambit nito habang nakikipag shake hands sa akin.

"Nice meeting you."
Tugon ko.

Nilibot niya muna ako sa kusina.

"Ariana ito ang kusina"
Pagprepresenta niya sa akin.
"Pwede kang magluto ng kahit na anong gusto mo."
Dagdag pa nito.

"'Eto naman ang living area"
Pagprepresenta niya habang nililibot namin ang buong silid.
"Pwede kang manood ng T.V. pag tapos ka ng maglinis."
Dagdag pa nito.

"'Eto naman ang Dining area. Dito kumakain si Ate. 7:00 P.M. siya kumakain kaya 6:30 pa lang dapat na ka handa na ang mga table napkins, kutsara, tinidor, baso, at ang mga plato."
Pagpapaliwanag niya sa akin.

"May anak ba si ate? Nasaan siya? Ba't di ko siya nakita?"
Sunod-sunod kong tanong.

"May anak siyang lalaki ngunit di siya dito nakatira at minsan lang kung siyay dumalaw. Mga once a week lang siya kung pumunta dito."

May i-dadagdag ng bigla siyang mag salita.

"'Eto naman ang dining area ng mga trabahante. Pwede kang kumain dito kung kailan mo gusto. Walang pipigil sayo."
Sambit nito.
"May tanong ka pa ba?"
Tanong nito sa akin.

"Wala na"

"Mabuti, ngayon magtungo naman tayo sa second floor.

Agad kami nagtungo sa second floor. Medyo madilim at halos kwarto lang lahat dito.

"'Eto naman ang kwarto ni ate"
Sambit niya sabay turo sa isang kwarto na halos isang bahay na ang laki.
"Bawal kang kumatok kung di naman kinakailangan at lalong-lalo na kapag nagpapahinga si ate."
Dagdag pa nito.

"'Eto naman ang kwarto/opisina ng anak ni ate. Di ka pwedeng basta-basta na lang pumasok kapag nandyan ang anak ni ate kung ayaw mong mapagalitan."

"Ito naman ang kwarto natin dito ka matutulog."
Banggit niya habang niya habang pinipresenta ang isang kwarto na puno ng mga higaan.
"Ilagay mo na ang mga gamit mo at magpahinga dahil bukas nagsisimula ka na."

Maya-maya pa ay umalis na siya habang ako naman ay naiwan na nagaayos na ng mga gamit. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko ay nagpahinga na agad ako.

***********

Unang araw ko ngayon bilang kasambahay ng mga De la Vega. Kaya gumising ako ng maaga para di ako mapagalitan. Pag mulat ko ng mga mata ko agad ko nakita ang isang uniform sa tabi ko. Siguro dinala to ni Daisy para sa akin. Kapansin-pansin din na ako na lang ang natira dito. Kaya nag bihis agad ako at inayos ang sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba agad ako. Pagbaba ko tumambad agad sa akin ang mga kasambahay na busy-ing busy sa pag lilinis. Agad din akong nag linis. Winalis ko muna ang sahig at pagkatapos ay nagtrapo ng mesa.

Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang isang babaeng kasambahay. Sa tingin ko mag kasing edad lang kami kaya paniguradong magkakaintindihan kami.

"Hi diba ikaw 'yung bagong salta dito?"

"Oo, bakit mo na tanong.?"

"Ahhh gusto ko kasing makipagkaibigan."
Sambit nito.
"Ako nga pala si Sandy"
Pagpapakilala niya.

"Ako nga pala si Ariana and nice meeting you"
Pagpapakilala ko sa sarili ko.

Bigla ako nadala ng kyuryosidad ko at nag tanong.

"Ahhmmm Sandy."

"Bakit Ariana."

"Gusto ko sanang magtanong."

Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at humarap sa akin.

"Oo naman. Tungkol ba saan ang itatanong mo?"

"Ahhhhhmmm... kilala mo ba ang anak ni ate.?"

"Ahhhhh yung monster."
Sarkastiko nyang sagot.

"Monster?"

"Para kasi siyang monster ang bilis magalit. Sabi kasi nila simula ng iniwan siya ng girl friend niya naging masama na ang ugali niya. At simula din nung araw na yun iba na ang apilyedong ginamit niya."

"Ano palang pangalan niya?"

Di na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang inutusan ni ate na mamalengke. Habang ako naman ay naiwan dito at naglilinis.

Pagkatapos kong maglinis pumunta agad ako sa kwarto upang mag pahinga. Hanggang ngayon di parin nakakauwi si Daisy mag-aalas otso na ng gabi. Ano ba kasing pinamili niya ba't ang tagal niya. Gusto ko pa naman siyang tanungin. Speaking of tanungin kung linisin ko kaya ang kwarto ng anak ni ate. Nang sa ganun may magawa naman ako.

Pagkarating ko sa kwarto ng anak ni ate agad kong binuksan ang ilaw at nag simulang maglinis. Winalis ko muna ang sahig at pagkatapos ay nagtrapo ng mesa. Sa di inaasahang pagkakataon nakakita ako ng isang litrato na familiar sa akin.

My EX is My BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon