"What the Hell..." Hawak ang nadaplisan kong braso, hindi naman ito napuruhan andun parin ang pumipintig nitong sakit.
Sa harapan ko ay isang itim o sadyang nangitim lang dahil sa nabubulok nitong kabuuan. Hindi ko alam ang irire-act ko sa mga sandaling ito. Tila na tuod kaming lahat sa kinatatayuan.
"What a yucky ugly looking dragon!" basag ni Evegeen sa katahimikan. "Look at that rotting skin... are those maggots ewww." Tila kinikilig pa ito sa diri.
My point naman si Evegeen kung susuriin mo ang katawan nito. It looks like a zombie dragon stinks of death, and its once glorious scaled hide sports gaping holes chewed by worms. Pero my good points naman ang looks ng dragon tulad ng nagliliyaban niyang mga mata, naninilaw ngunit kumpletong matutulis na ngipin at ang umuusog pa nitong bunganga dahil sa pagbuga ng purple flame! Its rotting and shattered teeth can send you to an ugly death.
Tila nainsulto naman ang dragon sa sinabing iyon ni Evegeen at nagliliyab ang mga matang napalingon ito sa kanya.
"Adios, amigos adorada..!" Nanginginig na sambit ni Evegeen.
Samantalang namumutla na ang mukha ni Azraelle dahil sa kamalasmalasan katabi niya ang mapanlait na bard.
*ROAR*
Ang dragon ay biglang lumipad gamit ang gula-gulanit nitong mga pakpak na ikiniyanig ng lupa. Sinubukan kong umalis sa lugar na iyon ngunit isang hampas lang ng kanyang massive rotting wings gumawa ito ng hurricane wind na nagpalipad samin lahat paitaas. Kasama ang ilang nabunot na puno at malalaking bato mabilis kaming nagsiikutan sa ere.
BINABASA MO ANG
Inside Utopia #PHTimes2019 #YourChoice2018 #LoonaverseAwards2018
Science FictionHighest rank #1 in 2017 Tulad nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang larong ONLINE game ay mabilis din nagbago. Mula sa unang labas nito na ginagamitan ng desktop at keyboard, hanggang sa virtual reality 2D to 10D gamit ang headset at gaming...