Gabi at mabahong katawan ang bumungad sakin sa laro. "Hygiene 5%" yun ang nakasulat sa bagong patch na 'Realistic Needs' consist ito ng apat na green meters kung saan nakasulat ang...
Nightingale's Needs
ENERGY 100/100
HUNGER 10/100
HYGIENE 5/100
BLADDER 5/100.
"Meron ding Bladder?!" gulat pang ani ko habang binabasa ang mga information ng new features.
"Naiihi nga ako!" Habang iniipit ang aking pantog.
Kasama rin sa 'Realistic Needs Patch' ang pag install ng mga Comfort Rooms and Bath Houses sa game. Tulad dito sa room ko na meron ng sariling banyo at may bathtub pa. Dali dali akong pumasok sa loob para mag jingle at pag tapos ay naligo narin.
Nagmamadali akong bumaba mula sa 5th floor papuntang ground-floor kung nasan ang tavern para kumain. No time para pumunta pa ng Red Tag, titiisin ko na lang muna ang mga below average food ng laro. Sa ibaba laking gulat ko nang maabutang ang tahimik at halos abandonadong city tavern ay crowded na ngayon ng maiingay na mga players. Ano kaya ang meron?
Umupo ako sa isang empty bar stool at nag order ng makakain. I just ate my tasteless butter bread at tahimik na nakikinig sa usapan ng isang grupo malapit sakin. Four Pinoy players sat there probably a bunch of first-timers dito Capital, and they were talking among themselves in hushed tones. Their expressions were extremely similar, as they appeared worried and were all frowning.
BINABASA MO ANG
Inside Utopia #PHTimes2019 #YourChoice2018 #LoonaverseAwards2018
Science FictionHighest rank #1 in 2017 Tulad nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang larong ONLINE game ay mabilis din nagbago. Mula sa unang labas nito na ginagamitan ng desktop at keyboard, hanggang sa virtual reality 2D to 10D gamit ang headset at gaming...