Ang next stop namin ay sa isang restaurant na ang pangalan ay 'RED TAG' para i-celebrate ang aming so called partnership ni Vanilla. Sa restaurant na ito daw matatagpuan ang mga masasarap na pagkain sa laro.
Ang Red Tag ang pinaka sikat na restaurant sa buong Amaranthine o pwede mong sabhin sa buong game. Hindi tulad ng ibang tavern, ito ay pag mamayari ng mag asawang real time player sa Utopia na sila Mojarri at Mobo na parehong Gourmet ang job. Kita palang sa labas ng establishment ang sobrang habang pila ng mga tao. PLS FALL IN LINE-ang nakalagay malapit sa pinto na sinundan ng mahabang pila.
Kalahating oras kaming pumila at naghintay bago tuluyang makapasok sa loob ng Red Tag. Habang nasa pila, masusi kong pinag aralan ang labas ng two-story building. Ang tavern ay gawa sa stone, wood and glass, white ang kulay ng wall sa loob at labas ng establishment, at may mga nakalagay na yellow and pink flower sa mga bintana. Wala akong napansing bahid ng pula. Why is it called Red Tag? I wondered.
"Welcome to Red Tag!" Bati ng isang lalaki, naka suot ng isang black colored butler suit. Sinamahan niya kami sa aming table at ng maka upo, magalang na inabot sa amin ang menu.
"Can I have some of your famous cookies and cream cake and vanilla caramel sundae pleassse!" Ngiting wika ni Vanilla.
Mabilis na rumihistro sa aking utak ang kanilang menu list at ng matapos si Vanilla sabihin ang kanyang order, mabilis kong sinunod ang sa akin.
BINABASA MO ANG
Inside Utopia #PHTimes2019 #YourChoice2018 #LoonaverseAwards2018
Science FictionHighest rank #1 in 2017 Tulad nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang larong ONLINE game ay mabilis din nagbago. Mula sa unang labas nito na ginagamitan ng desktop at keyboard, hanggang sa virtual reality 2D to 10D gamit ang headset at gaming...