- PANIMULA -

7.3K 271 161
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


DALAWAMPU'T limang taon na ang lumipas nang matapos ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig, United Nations laban sa pinagsamang puwersa ng Communist at Soviet Union. Dahil sa digmaang iyon, ang mundo ay nahati sa dalawang panig: ang United Nations na kaanib ang isandaan at labinlimang bansa na pinangungunahan ng America at ang Soviet Union na kaanib ang pitumpu't walong bansa na pinangungunahan naman ng Russia.

Isang taon lang nagtagal ang digmaang ito ngunit maraming naapektuhan. May mga bansang nawala sa mapa, maraming namatay at naulila. May mga nawalan ng tirahan at nagutom ang maraming tao. Matapos ang digmaan, napag-isipan ng mga nagkakaisang bansa o mas kilala sa tawag na UNITED NATIONS (UN) na gawing open country ang mga bansa na kabilang dito upang magtulungan at mabilis na maibangon ang kani-kanilang bansa. Hindi naman sila binigo ng bagong sistema, dahil sa loob lamang ng limang taon, ang bakas ng World War III ay makikita na lamang sa pictures at history e-books na nasa library o museo.

Nang sinimulan ang open immigration sa lahat ng bansa na kaanib ng UN, ang mga tao ay malaya ng nakapagbabakasyon, nakapag-aaral, at naninirahan sa gusto nilang bansa ng walang kahirap-hirap. English is still the universal language pero hindi pa rin nawawala ang local language sa mga native citizen o mas kilala sa tawag na "pureblood". Dahil din sa open immigration ay nauso ang halong lahi o high breed.

Sa panahon na ito ay puro credit card at UN dollar na ang ginagamit. Sa panahon ding ito, bagamat hindi nawawala ang mayaman at mahirap, ang buhay ay pinagaan na. Ang lahat ng bata ay nakapag-aaral ng libre mula pre-school hanggang kolehiyo. Sa edad na labing walo, obligado ka ng magtrabaho sa ayaw mo man o gusto. Wala ka ng makikitang pulubi o homeless sa kalsada. Kung wala kang sariling sasakyan, ang mga city bus ay libreng masasakyan sa bawat terminal.

Ang internet ay kasing halaga na lang ng hangin sa panahon ngayon. Halos lahat ng teknolohiya ay nangangailangan na ng internet kaya ito'y ginawang libre upang magamit mo saan ka man naroroon. Para ma-preserve ang natitirang mga puno, ang newspapers, books, magazines, at lahat ng klase ng papel ay matagal ng ipinagbawal. Pinalitan ito ng mga gadget tulad ng e-notes, tablet, cellphone, and DOLL, ito ay isang voice command android doll na puwede mong kausapin at tanungin ng kahit ano.

Tulad ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, ang mga online game ay mabilis ding nagbago. Noong una, gumagamit ang mga tao ng desktop at keyboard sa paglalaro ng online game, hanggang sa maging virtual reality 2D to 10D na kung saan gumagamit ng headset at gaming remote.

Dahil laging in demand ang online games sa mga tao, ang mga kilala sa larangan ng computer graphics industry, software advertising, programming, engineering, and video game development ay walang tigil na hinahasa at pinagaganda ang mga bagong labas na laro. In twenty-five years of continues researched at sa tulong ng mga batikang siyentipiko, nabuo at pinakilala sa mundo ang DREAM CAPSULE, ang device kung saan ang consciousness ng isang tao ay mapupunta sa mundo ng isang online game. Sinubukang gamitin sa iba't ibang online games ang capsule na ito ngunit isang laro lamang ang nakakuha ng one hundred percent compatibility rate. Ito rin ang kauna-unahang reality based game, ang UTOPIA Online.







Inside Utopia #PHTimes2019 #YourChoice2018 #LoonaverseAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon