JUNE 20, 2059, 11:00 PM, SUNDAY
DREAM CAPSULE o mas kilala sa tawag na Dcap, ang kauna-unahang virtual reality gaming device na kaya dalhin ang consciousness ng isang manlalaro habang ito'y tulog sa loob ng kanyang installed o preferred game. Equipped with the latest and highest technology including the DCvisor na kayang magbasa ng human brainwaves at B-lasers na para naman sa body nerve points,
Ang capsule ay gawa sa pinakamatibay at dekalibreng black metals na inangkat pa ng Earth sa planetang una nitong nasakop, ang planetang Mars. Ang cover naman nito ay gawa sa fiber at carbon glass na pinagtibay at makailang beses ng in-upgrade sa nakalipas na mga panahon. Sa gitna ng capsule ay makikita ang manual control panel at ang game cartridge slot kung saan ini-install ang nais na laro.
[Game Cartridge - isang maliit na chip kung saan nakalagay ang online game program.]
The Dcap is very expensive and rare, dahil bukod sa ito ang pinaka-latest technology sa ngayon, meron lang na isang milyon na Dream Capsules sa kabuuan ng United Nations na may populasyong ilang trilyon. Kaya kung hindi ka nabibilang sa mataas na estado o maimpluwensyang tao sa lipunan, nungkang makakukuha ka ng Dcap. Mapalad naman ang mga taong top ranking ang galing pagdating sa online games at ang mga taong nanalo sa mga mahihirap na paligsahan na isinagawa ng UN dahil sila'y nabigyan ng libreng Dcap. Ang mga hindi nakakuha'y kailangan pang maghintay ng limang taon para sa susunod na release ng nasabing device.
BINABASA MO ANG
Inside Utopia #PHTimes2019 #YourChoice2018 #LoonaverseAwards2018
Science FictionHighest rank #1 in 2017 Tulad nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang larong ONLINE game ay mabilis din nagbago. Mula sa unang labas nito na ginagamitan ng desktop at keyboard, hanggang sa virtual reality 2D to 10D gamit ang headset at gaming...