Repeating Days

6 0 0
                                    

Repeating Umuulitulit, paulit ulit nalang yung mga bagay na ayaw mo ng balikan, umuulit ulit nalang yung mga araw na ayaw mo ng isipin o gawin, bumabalik balik lang yung mga oras na ayaw mo ng mabalikan pa.

bakit parang nandudun parin ako, sa araw na sobrang sakit ng nararamdaman ko.
bakit parang walang nag babago sa buhay ko? parang wala na kong patutunguhan. 

bakit parang wala ng may pake saken? yung tipong di nila ko kilala kapag wala silang kailangan sakin.
bakit parang hanggang dito nalang ako? yung pakiramdam na eto na ang huling araw ko.
kaya siguro na bakit parang ganun  ang nangayayari dahil di ako naninawala sa kanya o hindi ako naniniwala sa sarili ko ? di naniniwala sa mga taong nakapalibot sakin. 

Hindi ko alam kung bakit parang ganto ang buhay ko, hindi ko ba alam o hindi ko lang sinusolusyunan yung mga bagay na kayang kaya kong gawin pero di ko ginagawa, yung mga bagay na madali lang pinapakomplika ko pa. 

bakit ganun? bakit ako nagiging ganito? Parang umuulit lang etong walang kwentang parte ng buhay ko, parang hanggang dito nalang yung araw ko, parang dito na matatapos yung mga bagay na umuulit ulit lang, parang dito na matatapos yung mga araw na ayaw na ayaw kong balikan, parang dito na matatapos ang patutunguhan ng buhay ko. parang hanggang dito nalang.


Sincerely yours,
-ColdWeeknd


Thoughts to PoetryWhere stories live. Discover now