Papa

8 0 0
                                    

Dear Papa,

Pa ikaw ang inspirasyon ko sa mga araw na napakadilim.
Pa ikaw ang pinaghuhugutan ko ng lakas kahit na di ko na nararamdaman yung lakas na sinasabi ko.
Pa ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ako, dahil ikaw ang nag bukas ng utak ko sa mga bagay na di dapat prinoproblema .
Pa sana kaya kong maibalik yung panahon,yung panahon na walang problema, yung panahon na lagi akong takot umuwi ng gabi dahil alam kong mapapagalitan ako, yung panahon na kasama ka pa namin, yung panahon na kasabay ka pa namin kumain, yung panahon na napakasaya pa natin, yung mga panahon na yun. kasi pa simula ng mawala ka maling mali na ang pinatutunguhan ng buhay ko, simula ng mawala ka parang wala ng direksyon tong buhay ko, parang mali na lahat ng ginagawa ko parang walang kwentang tao na ako.

dahil ikaw ang ang ilaw ng madilim na buhay ko, ikaw ang moon ng earth ko, ikaw ang unan ng higaan ko, ikaw ang nagbibigay lakas sa mahina kong pagkatao.
kaya siguro ganito ang nangyayari sakin. kaya siguro di ko magawang tumayo sa sariling mga paa ko, ikaw lang ang nagbibigay suporta sakin pa, ikaw lang ang nakakaintindi ng nararamdaman ko, ikaw lang ang nag bibigay payo sa mga bagay ng napakahirap para sakin, kaya ng mawala ka pa parang wala narin ako. dahil ikaw ay ako..


Sincerely yours,
-ColdWeeknd

Thoughts to PoetryWhere stories live. Discover now