Exhausted.

4 0 0
                                    

Pagod na Pagod na ko.

Antok na Antok na ko.

Hirap na Hirap na ko.

Kailan ba matatapos to?

Kailan ba mawawala to?

Kailan ba??

Pag sikat ng araw?
(Sisikatan paba ko ng araw?)

Pag liwanag ng gabi?
(Maliliwanagan paba ko ng gabi?)

o kapag wala nang araw at gabi?

o kapag wala ng matang makakasaksi sa pagsikat ng araw.

o kapag wala ng matang makakakita sa liwanag ng buwan.

o kapag wala ng dugo na dumadaloy sa aking katawan.

o kapag wala ng bumabagabag sa aking isipan.

o kapag wala ng sakit na nararamdaman ng aking puso.

o kapag wala na ako.

sa ganyang paraan ba matatapos ang lahat.

sa ganyang sitwasyon ba mawawala ang aking buhay.

sa ganyang panahon ba maglalaho ang sakit na aking nararamdaman.

sa gantong paraan ba??

dumidilim na ang aking paligid.

bumabagal na ang tibok ng aking puso.

nanunuyot na ang aking lalamunan.

napuputol na ang aking paghinga.

nablablangko na ang aking isipan.

nawawala na ang lamig na aking nararamdaman.

nauubos na ang lakas ng aking katawan.

naglalaho na ang sakit na aking nararamdaman.

dahil malapit na ang aking katapusan.

Sincerely yours,
-ColdWeeknd

Thoughts to PoetryWhere stories live. Discover now