Shit sila pa talaga.
"Veronica! Lapitan mo ulit si Yoongi Oppa, siguraduhin mong makakalakad ka pa pauwi." Sabi ni Laurice kasama yung mga katropa niya.
Si Laurice Halili. Siya yung pinakamagandang Sophomore dito sa Lakewood.
Maganda yung mukha pero panget yung ugali. Bat ba gusto siya ng mga lalaki?
Tumango nalang ako tsaka tinalikuran ko sila. Nakaramdam ako ng kamay sa aking balikat para iharap niya ako.
"Di pa tayo tapos Veronica. Girls. Grab her." Sabi sakin ni Laurice habang ngumingisi. Punyeta ka Laurice.
Hinawakan ako nung dalawang katropa ni Laurice ng mahigpit habang pinipigil ko yung iyak sa higpit ng hawak nila.
Pinagsusuntok ako sa tiyan ni Laurice habang yung mga kasama naman niya ay tumatawa sa ginagawa niya.
"T-Tama na p-please. H-Hindi ko naman gusto si Y-Yoongi." Nagmakaawa ako sa kanya. Tinapos niya ako sa isang malutong na sampal.
"Siguraduhin mo lang yan." Sabi niya sakin at umalis na.
Umiyak ako sa hallway, wala akong pakeelam sa dumadaan.
Bakit ganun? Kung sino pa yung inosente sila pa yung nadadamay. Laurice Halili. I fucking hate you.
Tumayo ako at pumunta ako sa Comfort room.
Puta pulang pula yung mga mata ko.
Hinugasan ko yung mukha ko kung sakali mawala yung pula kong mga mata.
Hindi parin.
Well, sana wala naman makapansin. Lumabas ako at napansin ko na si Seokjin pala yung lumabas sa classroom. Kasama niya si...... Yoongi.
"Jusmiyo Veronica, hinahanap kita kanina pa! Parang nilibutan ko yung buong school! Halika na at umu-- Hoy ano yang nasa mukha mo?!" Sinabi niya at hinawakan niya yung pasa sa gilid ng bibig. Inalis ko yung kamay niya.
"Wala yan. Wag ka nang makielam." Sabi ko ng walang expression, tas yung mata ko napunta kay Yoongi.
Naalala ko nanaman yung sinabi ni Laurice. Agad akong hindi tumingin sa kanya.
"Veronica Rosales. May nanakit ba sayo?! Sabihin mo sakin para sabunutan ko yung mga yon." Sabi sakin ni Seokjin na may galit sa kanyang boses.
"Wala nga toh, may nakabunggo lang sakin sa sobrang crowded ng mga tao dito. Natamaan ko yung bibig ko sa locker." Nagsinungaling ako.
"Aish, magingat ka kase! Halika na at umuwi na tayo. Gagawa pa kami ng Group Project ni Yoongi." Sabi sakin at tumango nalang ako. Sinusubukan kong hindi tumingin kay Yoongi sa takot ko.
Nagdrive na si Jin papunta sa bahay namin dahil wala naman si Mudrakels sa bahay.
Nasa likod si Yoongi habang nasa harap naman ako.
Nagpatugtog nalang ako sa earphones ko para mawala yung stress ko.
"Nagkakilala na ba kayo?" Tanong sakin ni Jin habang tumitingin samin ni Yoongi.
"No." "Yes." Sabi namin na magkasabay. "Hindi ko siya kilala."
Nagsinungaling nanaman ako.Feeling ko nakatingin sakin si Yoongi with confusion.
Pinatugtog ko nalang ulit yung kanta na laging nagpapakalma sakin.
((Insert Spring Day by BTS))
Nakarating na kami sa bahay. At nauna na ako buksan yung pintuan.
Binato ko nalang kung saan yung bag ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.
"Hoy Veronica. Ano bang meron sa-" hindi ko siya pinatapos at sinaraduhan ko sila.
Nilabas ko lahat ng luha ko galing kanina. Sana nandito si Appa.
Umiyak ako hanggang sa makatulog ako.
*time skip*
May narinig akong bumukas ng pinto pero hindi ko iyon pinansin. Umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Bat ka pumunta sa buhay ko?" Sinabi niya sakin.
Familiar yung boses na yun ah.
-------------------------------------------------
A/N: Boring chapter pero may cliffhanger hihihi may quiz pa kami bukas omaygad multitasking is layp
![](https://img.wattpad.com/cover/121328419-288-k486987.jpg)