Chapter 3: Try-out
DENDEN'S POV
Time check: 6:19 am
OMG! Friday ngayon at 7am yung tryout!
Late nako shit!
Nagmadali akong kumilos at nagready para sa try-out.
7:33 am na at nandito parin ako sa bahay. Ang bagal ko talaga kumilos kahit kelan.
Pagsakay ko ng kotse ko hinanap ko agad yung susi ko at ugh!
Naiwan ko sa ibabaw ng kama ko. Bwisit talaga! Napafacepalm nalang ako at bumaba ng kotse saka tumakbo paakyat sa kwarto.
Badtrip na badtrip ako pagbalik ko sa kotse ko. Tinignan ko yung oras, 7:39 na. Late nako, nakakahiya.
Habang nagdadrive ako, biglang pumasok sa isip ko yung bestfriend ko at naalala yung mga kulitan namin.
Unconciously, napangiti nanaman ako.
"Ba't kaya tuwing naiisip ko siya napapangiti ako?" tanong ko sa sarili ko.
May iba sakanya, I swear.
Sa dami naming napag-usapan, di ko nabanggit yung volleyball. Pero I think, marunong siya or naglalaro siya. Ang tangkad niya pa naman, for sure magaling sya.
Sana magtry-out din siya, tapos pareho kaming makapasok sa team! :)
Pagdating ko sa ADMU, pinark kona agad yung kotse ko sa labas ng BEG at dali-daling tumakbo papasok then..
*BOOGSH!!*
"Aray!"
**
ALYSSA'S POV
Today is friday, ang bilis ng araw.
That girl named Denden, who became my bestfriend is making my days so much better. Bawat araw na dumadaan nagiging masaya ako because of her.
Ang sarap niya kasama, madaldal. Hindi ka mabobored. Tatawa ka lang ng tatawa. Sa madaling salita, mag-eenjoy ka.
Pagbaba ko, wala si mama. Pero may nakaready na foods para sakin. Ang sweet talaga ni mama.
Kumain na ako tapos nagdrive papuntang ADMU. Dumiretso na akong BEG dahil ngayon ang try-out para sa ADMU WVT.
6:39am palang pagdating ko pero nag-istart na sila. Na-move pala ng 6am, hindi ako nainform. Hahaha good thing maaga akong nagising at nagready.
Nagstretching ako, ladder at iba pang drills, then nakisali nako sa ginagawa nila.
After an hour, habang nakaupo ako dahil water break. Naisipan kong itext si Den, I just wanna ask kung may ginagawa siya ngayon or kung may klase siya. Gusto ko kasi siyang ayain kumain ng Pizza mamaya after ng try-out.
Wala lang, nagutom ako bigla eh.
5 mins lang yung water break. Matagal pa yung next kaya nagmadali nakong tumakbo palabas ng Gym to get my phone na naiwan ko sa kotse ko then..
*BOOGSH!!*
"Aray!"
"Ba't kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" inis kong sabi.
"Ly?"
Napatingin ako sa nabangga ko, isa lang ang tumatawag sakin non, "Den?"
"Ang sungit mo talagang babae ka!" sabay hampas sakin.
Napangiti ako bigla, "Sorry! It's you pala." tas tumawa ako.
Napatigil ako ng tinignan niya ako from head to toe, then may narealize ako kaya tinignan ko rin siya.
"Magtatry-out ka?!" tanong namin pareho with gulat na expression.
Sabay kaming dahan-dahan na tumango at sabay rin kaming natawa sa naging reaksyon namin.
"My gad! Sabe na nga ba volleyball player kadin eh!"
"You too!" natatawa kong sabi.
Narinig kong pumito na si Coach, hudyat na mag-istart na ulit.
"Tara na, mag-istart na ulit."
Sabay kaming pumasok sa court pero nagstretching muna sya at iba pa, then nakisali na rin saamin.
Magaling siya, pareho kami. Hahaha just kidding. Pero magaling talaga siya :)
May dalawa siyang kakilala na nagtry-out din. At pinakilala niya ako, sila Ella at Amy.
Mga 9am na ng tinapos ni Coach yung try-out. Pinagpahinga niya kami saglit tapos maya-maya pa..
"Okay girls, listen. Tatawagin ko yung surnames ng mga pasok sa Team. Sa mga hindi matatawag, more training pa para next year, makapasok kana. Okay.."
Nagbanggit na siya ng mga apelyido ng nagtry-out. Pasok na yung dalawang kakilala ni Den, pero kaming dalawa hindi pa nababanggit.
"Last two.."
Last 2 na! Sana makapasok kami :(
"Lazaro.."
"Yes!" pabulong at tuwang-tuwa niyang sabi saka humarap sakin.
"Congrats!" bulong ko.
Pasok na siya, ako kaya? Nakaramdam ako ng lungkot ng sabihing last na.
"And last but not the least..
Valdez."
**
DENDEN'S POV
Nandito kami sa Shakey's ngayon, nagcecelebrate dahil pareho kaming nakapasok sa Team.
Ang saya sa feeling! Knowing na magkakasama kaming dalawa sa dorm!
Next next week, lahat kaming nakapasok kailangan ng lumipat sa Eliazo dorm. Sobrang nakakaexcite! Hahaha
Can't wait na lumipat. Omg ^_^
"Ghad! I didn't expect it. Akalain mo, makakasama pa kita sa dorm ngayon. Sana roommates tayo." she said happily saka kumagat sa pizza.
"I hope so. Hahaha ang saya pag nagkataon!"
"Super! Makasama ka palang masaya na eh what more kung kasama pa kitang titira sa iisang bubong." sambit niya kaya napatingin ako sakanya, "What? May masama ba sa sinabi ko?"
Oo nga, meron ba?
Pero kasi.. parang medyo..
kinilig ako?
Habang magkatinginan parin kami, nagsmile ako sakanya at sinabing, "Ang cute mo." saka kumagat sa pizza ko.
- Vote and Comment! Thank you. :)
Follow me on IG: @janinagaspar
BINABASA MO ANG
I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]
FanfictionIt's amazing how one day someone walks into your life, then the next day you wonder how you lived without them.