Chapter 18: Protect Your Feelings

12.9K 214 7
                                    

Chapter 18: Protect Your Feelings

DENDEN'S POV

My parents called and said they wouldn't be able to come home this year. I'm not surprised, but I'm still disappointed. I miss them so much. But I guess they don't feel the same.

After ng call pumasok na ako sa loob, hinanap ng mata ko si Ly pero wala na siya kaya umakyat na ako. I asked her kung matutulog ba siya, hindi daw. Tumabi ako sakanya tapos napag-usapan namin yung about sa accident, sinabi kona sakanya yung totoo. Naiba yung topic hanggang sa napunta na kami sa family. 

I needed it. Gusto kong mailabas to eh, ang hirap kimkimin. Wala naman akong ibang mapagsasabihin ngayon kung hindi ang bestfriend ko. I cried a lot, and she was just there, comforting me.

"Don't worry.. I will not let you celebrate any special occasions alone. We will celebrate Christmas, New Year, and your birthday together. You will never be alone again, I promise."

--

I woke up with Ly beside me, tulog parin siya. Tinignan ko yung oras, 7pm na pala. I checked my phone, may 3 messages and 2 missed call, kanina pa tong 5pm. Naiwan ko nanaman na nakasilent phone ko.

First one is from my mom.

Anak, andito na kami ng dad mo sa bahay. We wanted to surprise you pero nasa dorm ka nga pala. Come home, nak. Let's have dinner together.  We'll wait for you, we love you.

May message rin from Manang.

Iha, nandito yung parents mo, uwi ka daw ngayon.

And another one from my dad.

My baby, please come home. We're here to celebrate Christmas, New Year and your birthday together. We miss you so much, my baby girl. Ingat sa pagdrive, daddy loves you.

I automatically smile after reading those messages. They are here for me, they miss me, they love me.. naramdaman ko na nagteary eye ako.

Nagmadali akong bumangon, nagbihis at kinuha yung jacket ko. Hindi kona ginising si Ly dahil mukhang masarap tulog niya. I'll text her nalang, masyado akong excited to see my parents, saka baka kanina pa nila ako inaantay.

Nagmadali akong bumaba, nagtanong sila kung saan ako pupunta at sinagot ko naman sila para di sila magworry. Pagsakay ko na car, kinuha ko yung phone ko. Ireplied to their messages and told them na I'm on my way.

While driving, inaabangan kong magreply kahit sino sakanila pero wala. Baka busy sila preparing for dinner. Suddenly, nakaramdam ako ng kaba. Nakapasok na ako sa subdivision namin, I heard some wangwang, may ambulance na nagmamadaling inunahan ako, malapit ko na matanaw yung bahay namin ng may nakita akong red and blue lights na nagbiblink, may mga police, nagstop yung ambulance sa tapat ng bahay namin.

I stopped the car, nagmadali akong bumaba at tumakbo palapit but someone stopped me, it was Ly. Nagulat ako, anong ginagawa niya dito?

"MOM! DAD!" I shouted while crying.

Sinusubukan kong alisin yung yakap sakin ni Ly para makatakbo ako papasok sa loob ng bahay pero natigilan ako ng may lumabas na mga nakauniform at may bitbit na stretcher.

"No.." napatakbo ako palapit sa dalawang stretcher na nilalabas, napaluhod ako, "NO NO NO! MOM! DAD!"

"Besh!"

"Besh! Wake up!"

I heard some voices then napabangon ako bigla. Tumingin ako sa paligid, nasa dorm ako. Paglingon ko kay Ly sobrang worried ng mukha niya.

"Are you okay?" then pinunasan niya yung luha ko.

"Where's my mom and dad? What happened?" takot na tanong ko.

"You're just dreaming, they're okay. They called you earlier, remember?"

Nabalik ako sa wisyo nung sabihiin yun ni Ly, it was just a dream, kaya pala biglang nandoon si Ly para pigilan ako. 

Dali-dali kong kinuha yung phone ko para icheck kung may messages, pero wala. Tama, panaginip nga lang lahat.

Naiyak nanaman ako. Thank God panaginip lang lahat.. pero ibig sabihin, panaginip lang rin pala na sinabi nilang umuwi sila dito, na miss nila ako, na mahal nila ako.

"Ssshh besh please, stop crying na.. kanina kapa umiiyak eh. Hindi kona alam gagawin ko para patahanin ka." pakiusap ni Ly, "Tinawag narin tayo nila ate Dzi, dinner time na daw."

Tumango ako, "I'm sorry.."

"Hindi mo naman kailangan magsorry, okay lang, sorry hindi ko kasi alam gagawin ko, ayoko nakikita kang ganyan, nasasaktan ako." hinawakan niya yung kamay ko, "Kung pwede lang, hahatian kita dyan sa pain na nafefeel mo eh.. o kaya ako muna magdadala for a day. Para hindi masyado mabigat sayo." niyakap niya ako ulit, "I want to protect you.. your feelings, gusto kita protektahan sa lahat ng bagay na makakasakit sayo."

Ly, bakit ka ganyan? Masyado mo pinapabilis yung tibok ng puso ko..

"Why?" 

"Because I love you.."


I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon