Chapter 17: Alone
ALYSSA'S POV
Andito na ako sa kwarto namin, nauna na akong umakyat.
Pagtingin ko sa oras, 3:45pm palang.
Naalala ko yung kanina, bakit kaya ganon naging reaction ni Den kanina nung may accident? Kilala niya kaya yung naaksidente? Bakit siya andun? Did something happened?
Di ko mapigilan macurious, imposible kasi na makikichismis lang siya kaya siya andun.
Yung pagtulo ng luha niya, yung yakap niya.. hindi yun wala lang eh.
Mamaya nga tatanungin ko siya, hindi ko kayang hindi malaman.
Hindi pa kaya siya tapos sa kausap niya? Bago kasi ako umakyat, lumabas siya kasi may nagcall sakanya. Mukhang seryoso mukha niya nung sinagot niya eh.
Maya-maya pa narinig ko na may nagbukas ng pinto, si Den.
"Are you going to sleep?" she asked.
Umiling ako, "Nah. Just want to rest. Ikaw okay naba pakiramdam mo?"
She slightly nodded. Bakit parang di siya okay?
"You good?"
Tumabi siya sakin, "Yeah."
"Den, yung kanina, what happened?" I asked
She smiled habang diretso parin ang tingin sa harap. "I thought I was going to lose you.." then she looked at me, "I thought ikaw yung naaksidente.. narinig ko kasi red car then babae yung driver. I was so scared, it felt like my mind was going to explode, kahit hindi kopa sigurado kung sino yun, nanghina na ako." tumawa siya ng konti.
Hindi ko alam sasabihin ko, ngayon ko lang naramdaman na may gantong tao na sobrang takot mawala ako except sa family ko.
Den, ano kaba.. masyado mo nanaman pinapasaya yung heart ko.
I hugged her, "Don't worry, you'll never lose me. I won't let that happen. I will always be here beside you."
Naramdaman ko yung pagyakap niya, "Thank you.. ako rin, hindi ako mawawala sa tabi mo."
Pagtapos ng yakapan, iniba na namin yung topic, nagkwentuhan kami, hanggang sa napunta sa family yung usapan.
"I have a great mom, inispoil nga ako nun eh, lahat ng gusto at kailangan ko binibigay niya sakin. Si dad may pagkastrict talaga pero I know he loves me and mabait rin naman siya. We always spend Christmas and New year together, even sa birthdays nga eh. Basta pag may special occasions gusto namin magkakasama kami."
"Buti kapa.." napayuko siya, I can feel her sadness.
"Why?"
"I don't know.. pero sobrang iba yung family mo sa family ko. I don't think they love me.. they're just happy that I exist, well maybe not." ngumiti siya ng mapait.
"What? How could you say that?" napakunot noo ako.
"They're always busy, they don't care about me."
"That's not true, if they really don't care about you, edi sana wala ka dito, hindi ka nag-aaral or what. Kaya wag mong sasabihin na wala silang pakialam sayo or di ka nila mahal. Walang magulang na di mahal ang anak nila, baka iba lang--"
"You don't know anything!"
Nagulat ako. Ang lakas ng boses niya at parang galit siya nung sinabi niya yun kaya napatingin ako sakanya.
Nakita kong teary-eyed siya.
I'm sorry.. may nasabi ba akong mali?
"Den?"
"I'm sorry.." then nakita kong pumatak na mga luha niya, "They called me earlier.. hindi nanaman sila makakauwi this year, I will celebrate Christmas, New year or even my birthday alone again. Kailan ko paba sila last nakita? Hindi kona nga maalala yung feeling na kasama sila. They don't give a damn about me. Baka kahit mamatay ako hindi sila uuwi to see me."
Suddenly, I felt my heart aching for her. I can feel her pain, she's hurting.
Now I understand kung bakit feeling niya hindi siya love ng parents niya, siguro nga hindi talaga enough yung nabibigay lahat yung kailangan at gusto mo, iba parin pag napaparamdam yung love physically, yung nag-eeffort makasama ka.
I can't do or say anything, so I hugged her.. to make her feel na she's not alone.
Mas lalo siyang umiyak, humahulgol na siya.
"Sssshh, sige ilabas mo lang. I'm here."
"I miss them, I miss them so much, gusto ko na ulit maramdaman na may magulang ako."
Ang sakit. Sana may magagawa ako para mawala yung pain na nafefeel niya..
"Don't worry.. I will not let you celebrate any special occasions alone. We will celebrate Christmas, New Year, and your birthday together. You will never be alone again, I promise."
BINABASA MO ANG
I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]
FanfictionIt's amazing how one day someone walks into your life, then the next day you wonder how you lived without them.