Chapter 14: How
DENDEN'S POV
"Den? Nakatulog kaba?"
Nabalik ako sa wisyo ng marinig kong nagsalita na ulit si Ly.
Hindi na nga pala ako nakasagot.
Ano ba dapat kong sabihin?
Shit. Magp-promise ba ako?
"H-hindi, gising pa ako. Y-yeah.. promise."
Ito lang ata yung naipromise kong sobrang labag sa loob ko.
"Promise yan ah.." paninigurado niya.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam pero pakiramdam ko, napakabigat ng atmosphere namin ngayon..
"Besh, I love you.."
Bigla nalang lumabas sa bibig ko yung mga katagang yun. Hindi ko napigilan. Pero mas nagulat ako nung sumagot siya.
"I-I love you too.."
Para akong nabuhayan sa narinig ko pero ayaw ko namang lokohin sarili ko.
Alam ko, alam na alam ko.
Yung I love you niyang yun, hindi katulad ng I love you ko.
Sarap na sana sa pakiramdam na nag-I love you too siya.. pero ang sakit din sa kabilang banda kasi para sa kanya bestfriend lang talaga.
"Tulog na tayo.." sambit niya kaya kumalas nako sa yakap sa kanya at humiga sa pwesto ko.
"Hmm.. Goodnight." tapos tumalikod nako sa kanya.
"Goodnight."
Lumipas ang ilang minuto pero nakatitig lang ako sa wall.
Parang gusto kong umiyak.
Yung feeling na hindi kapa nga nagcoconfess parang nareject kana.
Yun yung naffeel ko ngayon, nareject ng walang kalaban laban..
Kumbaga sa isang laro, hindi pa nag uumpisa yung laban, talo kana.
Paano pa kaya kung nagconfess ako saka ako nireject?
Hays. Sa ngayon, ang tanging nasa isip ko lang ay panindigan yung promise namin sa isa't isa at tanggapin na hanggang bestfriend lang talaga.
Siya ang first love ko, sa kanya palang ako nakaramdam ng ganito. Ngayon palang ako nagmahal at hindi ko akalaing sa taong hindi pwede kopa to unang mararamdaman. Kung saan.. maraming tutol dahil mali.
Nararamdaman ko na yung mga luha ko, gusto nilang tumulo.
Tumingin ako sa oras, 10:30 pm na..
Naisip kong bumaba muna sa sala at dun ibuhos lahat.. tutal nasa kanya-kanyang kwarto naman na silang lahat.
"Ly.. I love you.. higit pa sa akala mo.. Nakakainis ka naman eh. Bestfriend lang ba talaga? Kung alam mo lang.." mahinang sambit ko.
Nag-umpisa ng pumatak yung mga luha ko.
Oo, para akong batang umiiyak mag-isa dito sa sala habang kinakausap ng mahina ang sarili..
Wala eh.. nainlove ako.
"Bakit hindi mo subukang sabihin sa kanya?"
Napatingin agad ako sa likod ko at nakita ko si ate Gretch na nakatayo.
"A-ate Gretch.."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko saka pinunasan yung luha ko.
Narinig at nakita niya.. nakakahiya.
BINABASA MO ANG
I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]
FanfictionIt's amazing how one day someone walks into your life, then the next day you wonder how you lived without them.