Chapter 6: My angel

19.3K 263 15
                                    

Chapter 6: My angel

ALYSSA'S POV

Ilang araw ang lumipas, lilipat na kami sa dorm. After ng nangyari, hindi ko na ulit nakita pa si Den.

Excited ako lumipat dahil sure akong makikita ko na siya ulit. Miss na miss ko na siya, miss ko na ang bestfriend ko.

Siya kaya, bestfriend parin niya ako? Syempre hindi na. After ng nagawa ko sakanya, sa tingin mo ba ituturing niya pa akong bestfriend? Hindi na.

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot. Lungkot dahil miss na miss ko na siya at dahil sa katotohanan na nag-uumpisa palang yung friendship namin ay nasira na agad. Sinira ko na agad. Hay..

Dapat paba akong maexcite dahil makikita ko siya? O malungkot dahil wala rin namang mangyayari kahit makita at makasama ko siya?

Nanlulumo akong hininto ang kotse ko sa tapat ng isang gusali dito sa ADMU.

Binasa ko ang naglalakihang letra na nakalagay rito,"ELIAZO.."

Ito ang dorm namin, dito kami sama-samang titira sa loob ng ilang buwan.. or taon.

Natigilan ako ng makita ang babaeng palabas galing sa loob, kasunod nito ang dalawang kasama rin namin sa team na sa pagkakaalala ko, Ella at Amy ang pangalan.

Nakatingin lang ako sakanya at ng makita niya ako ay parang wala lang. Para di niya ako nakita.

"Bes hintayin mo naman kami!" sambit ni.. Ella? saka siya inakbayan.

Bes? May bes na pala siya.

Ngumiti siya, "Bagal niyo kasi maglakad eh." natatawa niyang sambit.

She's happy.. without me beside her. Siguro nga wala na talaga sakanya yung friendship namin last 2 weeks. Siguro kinalimutan na niya yung pangako niya. Tinapon na niya agad dahil sa nagawa ko. Pero di ko siya masisisi.. hays.

I miss her.. I miss her laugh, her smile.. her voice. UGH! I miss my bestfriend.

"Oh hi Alyssaaa!" sabi ni Ella ng makita ako.

"Hi Alyssa!" si Amy naman.

Ngumiti ako, "Hi sa inyo. Nandyan ba si coach?"

"Yep, ikaw nalang inaantay. Sige umakyat kana, para malaman mo na kwarto mo."

"Okay sige, thanks!"

"Bye! See you later!"

Umalis sila ng hindi man lang ako nilingon or kinausap ni Den.

Galit talaga siya..

Nilingon ko sila saglit. At di ko alam kung namalikmata lang ba ako or tama ang nakita ko.

Nakatayo ito sa tapat ng kotse na nakabukas ang pinto at nakatingin sakin, pero bigla itong umiwas ng lumingon ako at tuluyan ng pumasok sa loob.

Kaya eto, ngiting-ngiti akong naglalakad paakyat bitbit ang gamit ko.

I know, we'll be okay. Not now, but soon.

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon