Chapter 10 : Jealous

14.9K 218 11
                                    

Chapter 10: Jealous

ALYSSA'S POV

Tapos na class ko at naglalakad ako ngayon papunta sa Secret place namin ni Den, tumitingin tingin ako sa paligid ng bigla akong mabangga sa isang lalaki.

Ano ba yan! Bakit hindi rin siya tumitingin sa dinadaanan?

Pareho kaming nag-aray, "Next time tumingin ka sa dinadaanan mo okay?" masungit kong sabi habang pinupulot yung gamit kong nalaglag.

"Ang sungit mo parin talaga."

Napaangat yung ulo ko pagkarinig ko nun.

"Jovee!" masayang sambit ko saka tumayo, "What are you doing here?"

"I came here to see you." then he smiled, "Buti nalang hindi ako nahirapan hanapin ka."

"Why didn't you call or text me? Para di mo na ako kailangan hanapin." 

"Wala lang, gusto kita isurprise eh. Gutom kaba? Ako oo eh, kain tayo."

"Sure, let's go." I said then naglakad na kami papuntang Cafeteria.

Habang kumakain kami, syempre hindi mawawala yung kwentuhan at tawanan. Pag si Jovee kasama ko, matic na yun.

"Kamusta ka pala nung nakaraan? Sobrang worried ka nun eh, parang hindi ka okay, anong nangyari nun?" bigla nyang tanong.

"Ah wala yun, nakalimutan ko kasing may usapan nga pala kami ng bestfriend ko. May konting tampuhan but okay naman na ngayon don't worry."

"Mabuti naman." tapos parang pilit na ngiti, o baka akala ko lang.

Syempre hindi pupwedeng hindi nya ako aasarin or bubullyhin, minsan lang kami magkita, sinusulit niya palagi.

Napapatingin na samin yung mga nasa kabilang table, kasi ang kulit ni Jovee eh.

Mayamaya nagising seryoso na kami ulit.

"San mo daw nakuha yang damit mo sabe ni Kit?" tanong niya out of the blue.

Nagtaka ak,"Sinong Kit?" tanong ko na clueless parin.

Bigla nanaman siyang tumawa.

Anong nakakatawa dun?

Napakunot yung noo ko,"Bakit tumatawa ka nanaman? Malala kana talaga."

"Ang slow mo talaga." tumatawa parin siya, "Naghihirap naba kayo? Bakit ka nanunungkit ng damit?"

Hinampas ko siya bigla, nagets kona!

Sinong Kit? Sinungkit!

"Sira ka talaga. Kala ko kung sino, kailan ka kaya titino kausap?" natatawang sabi ko.

Tinanong niya kung may class paba ako. Sabi ko wala na.

Nasan kaya si Den? Sayang, gusto ko pa naman mameet niya si Jovee.

Hindi ko siya nakikita mula kanina.


DENDEN'S POV

After ng class ko naglakad-lakad ako para hanapin si Ly, pero hindi ko siya makita. Wala rin siya sa secret place namin.

Nasaan kaya yun?

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong pumunta ng Cafeteria baka sakaling andun rin siya.

Naglalakad ako ng mahagip ng mata ko yung dalawang babae na nasa bukas na sasakyan. Nagulat ako nung makita kong magkiss sila sa lips.

"Hi Denden!" nakangiting bati nito sakin nung makita nilang nakatingin ako sakanila.

"H-Hi ate Dzi and ate A." naiilang na bati ko, "A-Are you two together?"

"Yes." sabay nilang sabi habang nakangiti.

"Actually ngayon lang kami naging official. We are planning na sabihin sainyong lahat later pero nauna kana." natatawang sabi ni ate Dzi.

"Congrats! Wow, bago lang sakin to pero I'm so happy para sainyo." natutuwang sabi ko.

Ang saya ko para sakanila, they both love each other.

"Thank you, hindi rin naging madali lahat samin. Pero buti mas pinili namin yung feelings namin. Dating aso't pusa lang kami, ngayon mahal na mahal namin isa't isa." seryosong sambit ni ate A, "Kaya ikaw Denden, sundin mo yung feelings mo, at wag na wag mo kukwestyunin kung kanino tumutibok yan, ikaw lang rin mahihirapan."

Tumagos sakin yung mga binitawang salita ni ate A. Bakit parang may laman yung sinabi niya?

Bakit parang alam niyang may bumabagabag sakin?

Hindi naman siguro, imposible, baka advice niya lang.

"Yes ate A, tatandaan ko yan." nakangiting sabi ko, "Mauna na ako, hahanapin ko si Ly. Congrats ulit sainyo." then nagpaalam na ako at umalis.

Pagdating sa Cafeteria hinanap agad ng mata ko si Ly. 

Nung nakita ko siya, napangiti agad ako, pero nawala agad yung ngiti ko nung nakita kong may kasama pala siyang lalaki. 

Kumakain sila, nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam nanaman ako ng inis.. 

Ganito yung nafeel ko last time nung nakalimutan niyang may usapan kami.

Ly.. bakit ba gusto na kita ipagdamot?

Hindi naman dapat ganito pag bestfriend diba?

Dapat pag happy ka.. happy rin ako.

But why seeing you happy with someone else makes my heart ache?

Why?

Hindi ko naman dapat nararamdaman yung ganito eh..

Bago pa man niya ako makita ay dali-dali na akong umalis at tumakbo papunta sa secret place namin.

Pambihira.

Am I inlove with her?

Am I?

Am I really inlove with her?

I don't know..

Naramdaman ko nalang na naluluha na ako.

"Am I jealous?" I whispered.


I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon