Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Taong 1996, ipinanganak ang isang malusog na batang babae sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Santa Cruz, Manila. Iyon ang pinakamagandang araw para sa mag-asawang Mr. at Mrs. De Maguiba. Pinangalanan nila siyang Katrina na ang ibig sabihin sa wikang grego ay malinis o dalisay. Taliwas sa kaniyang pangalan, malayo ang buhay ni Katrina sa pagiging malinis o dalisay.
Noong bata pa si Katrina ay binansagan itong gifted child ng kaniyang mga guro. Nangunguna ito palagi sa eskwelahan kompara sa kaniyang mga kaklase. Isa siyang Valedictorian mula pagka elementarya hanggang sa pagtungtong niya ng highschool. Naging Magna Cum Laude 'din ito noong siya ay nag kolehiyo sa kursong Business Administration. Hindi madali sa kaniya na makamit lahat ng tagumpay na ito. Sa murang edad ay namulat na si Katrina sa hirap ng buhay. Kailangan niyang salihan ang mga samu't saring organizations sa kaniyang paaralan upang makakuha ng dadgdag na puntos sa kaniyang grado. Bukod dito kailangan niya ring pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral upang matustosan niya ang kaniyang sarili, sa kabila ng pagkakaroon ng full scholarship sa isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa.
Halos libutin niya na ang lahat ng klase ng trabaho para lang matustusan niya ang kaniyang pag-aaral. Hanggang sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, pinasok na niya ang iba't ibang uri ng trabaho para lamang mabuhay. Buong akala ni Katrina na kapag maganda lamang ang kaniyang portfolio at grading nakamit niya sa kaniyang pag-aaral ay mararating niya na lahat ng pinapangarap niya. Subalit hindi pala ganun sa totoong buhay. Kahit na saluhin pa niya ang lahat ng medalya ay hindi parin ito sapat upang magkaroon siya ng maganda at matinong trabaho. Hindi sapat ang talino at sikap lalo na sa bansang ito. Minsan kailangan ng maraming pera o kaya malalakas na koneksyon sa industriyang iyong gagalawan.
Palagi niyang ninanais na maging pinakamahusay sa lahat ng bagay. Binansagan siyang Jack of all Trades. Siya si Katrina de Maguiba, taga hawak ng maraming titulo sa buhay pero wala namang kalupaan. Achiever, entrepreneur, self-proclaimed writer at iba pa. Ngunit sa lahat ng iyon mas kilala siya bilang si Katrina de Maguiba, ang babaeng pinagtibay ng panahon pero bigos a lahat ng aspeto sa kaniyang buhay.
Dati marami siyang bagay na naaabot. Ngunit sinampal siya ng realidad at dahil dito kailangan niyang harapin ang sakit na dulot ng totoong buhay. Paano niya sasabihin sa batang siya, na nabigo niya ito?
"Kat naman nag promise ka diba? You promise to be there." Rinig sa kabilang linya ang pagka dismaya ng isang babae.
"Oo nga. Pero may tutorial pa ako mamaya. At after that kukunin ko pa 'yung orders ko kay Achi and then dadaanan ko pa si Tatay." Paliwanag ni Katrina sa kaniyang kaibigan habang hawak-hawak ang cellphone sa kanang tenga.
"My God Katrina de Maguiba! It's a weekend, akala mo naman na may isang dosena kang anak na pinapakain. Walang award sa pagiging hardworking!"
"Lex, alam mo naman marami pa akong binabayaran. Isa pa hindi ba't magkikita naman tayo bukas?"
"Let me remind you Katrina, mag si-celebrate tayo ng promotion ni Ely, our bestfriend! Pinalampas ko na wala ka sa birthday ko last month dahil busy ka, but not this time. Besides, ang pangit naman na wala tayo 'dun hindi tayo kompleto. We should be there supporting him. Hindi ka ba proud sa achievements niya?"
Biglang napatahimik si Katrina. "Of course I am proud."
Totoo naman talagang ipinagmamalaki niya mga kaibigan niya. Ipinagmamalaki niya lahat ng mga nakamit nito.
BINABASA MO ANG
El Mestizo
Historical FictionKatrina "the All-rounder" de Maguiba. The Jack of all trades, honor student, achiever and scholar of her batch. She was good at everything. Jumping from one job to another because of bad experiences, nahirapan si Katrina maka hanap ng stable na trab...