kKABANATA IV - Ang Sinisintang Bituin

2.6K 83 9
                                    

***********

Naaalala ko pa noon ang sabi-sabi ng iba. Na kapag ang isang tao ay na-iinlove, tumitigil ang mundo nito, bigla nalang nagkakaroon ng slow-mo. Iyon bang nakikita natin sa mga pelikula. I thought it was a stupid idea – something a hopeless romantic would think. Kasi, I really never got the chance to experience that in my life. Kahit sa longest relationship ko, hindi ko pa naranasan 'yun. But now... who would've thought that I was able to actually witness a slow-mo moment from another person's point of view.

Kung gagawan ko man ito ng scene sa isang pelikula, ang kantang nababagay sa mga sandaling ito ay ang intro ng It Might Be You... Ewan ko ba... 'Yun ang unang sumagi sa isip ko ng maramdaman ko ang bawat pintig ng puso niya.

Calm.... Slow... and a happy beating heart.

Ganito ba ang pakiramdam mo sa tuwing nakikita mo siya, Mateo?

"Milagros." Bigkas ni Katrina.

Nakita niya ang biglang pagliwanag ng mga mata ng babae sa kanyang harapan. "Hindi parin nagbabago ang iyong tawag sa akin, Senyor Salazar." Ngiti nito sa kanya.

Is this her, Mateo?... your Milagros...If memory serves... Yes, that's her name... That's what Mateo calls her. This is her... Mateo's Milagros.

"Mateo... ito si Estrella..." Pagtatama naman ni Javier dito.

"Pasensiya kana Estrella at itong si Mateo ay nanlalabo na ang paningin." Lusot na paliwanag ni Martin.

"Siya nga pala, ano ang iyong ginagawa dito sa Calle San Sebastian, Estrella? Matagal narin noong tayo ay huling nagkita. Dito ka na ba sa Intramuros naninirahan?" Pag-iibang tanong ni Javier.

Napalingon naman ulit si Javier sa gawi ni Mateo sabay bulong "Ikukwento ko sa'yo mamaya kung sino si Estrella."

"Milagros... ang pangalan niya ay Milagros." Pagmamatigas ni Katrina habang tinitigan niya ng masama si Javier.

At mas marunong ka pa talaga sa akin? E ako ang nakakakita sa mga alaala ni Mateo!

"Ah... naparito lamang ako sapagkat ihahatid ko sana ang pinagawa na tapete ni Senyora Carmen. Kasalukuyan akong tumutulong sa tahian ni Tiya Soleng sa Binondo habang nagbabakasyon si Donya Mariano 'rito." Singit ng babae nang mapansin niya ang pagbubulongan ng dalawang lalaki sa kanyang harapan.

"Ang Mama?" Tanong ni Martin.

"Opo Senyor, papunta sana ako sa inyong tahanan para ihatid ito." Sabay abot ni Estrella ng kanyang ginawang mantel na nakabalot sa papel na pergamino. "Subalit mukhang ako ay naliligaw na naman. Nakalimutan ko na kung saang banda na kalye ako liliko papunta po sa inyong tahanan. Mabuti na lamang at nakita ko kayo dito sa daan, Senyor."

"Wala sila Mama at Papa sa bahay ngayon, Estrella. Pero hayaan mo at aking iaabot itong iyong ibinigay sa akin." Sabi nito sabay kuha sa bitbit ng dalaga. "Salamat dito, bueno iyon lamang ba? At kami ay hahayo muna at may kailangan pa kaming puntahan." Wari nito habang sinusubukang kaladkarin ang nakatungangang Mateo at naiinis na Javier.

"Ah... Senyor..." Biglang kalabit nito kay Martin

"Bakit Estrella? May gusto ka pa bang ipaabot kay Mama?" Tanong ni Martin.

"Hindi pa po kasi iyan bayad... hehe." Mungkahi nito.

Biglang naramdaman ni Katrina ang panunumbalik ng kanyang ulirat sa sinabi ng babae sa kanyang harapan.

"Pfft! Hahaha!" Hindi mapigilan ni Katrina na magpalabas ng malakas na tawa. "Hindi pa naman kasi iyan bayad pala, Martin." Kantsaw na wari ni Katrina kay Martin habang siya ay pumiglas sa mga hawak nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El MestizoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon