"Ito ang kabuuang ektarya ng inyong bahay sa San Mateo, hindi pa kasama dito ang lawak ng lupa ng inyong hacienda. Ito ay mga kopya lamang sapagkat 'yung iba ay nasa opisina ng iyong Papa." Sabay abot ni Luciano, ang kapatid ni Martin na siya ring abogado ng mga Salazar.
Halos nanlaki naman ang mata ni Katrina nang makita niya ang blueprint ng bahay nila Mateo. Nasa loob ng opisina ni Luciano ag tatlong magkakaibigan. Napagdesisyonan nila na bisitahin ang kapatid ni Martin sa pagbabakasakaling makita ni Mateo ang mismong dokumento ng testamento ng kaniyang namayapang ama.
"Malaki talaga ang bahay niyo, pero ngayon ko lang nakita na ganito pala kalaki ang sukat. Halos magkakaparehas pa ito ng desinyo sa bagong tayo na De Oriente sa Binondo." Saad ni Javier.
"Magkaparehas talaga sapagkat ang arkitekto ng bahay nila Mateo ay si Senyor Juan Jose Huerves y Arismendi na siya rin ang nag desinyo sa De Oriente." Paliwanag ni Luciano. "Siya nga pala, bakit mo gustong makita ang mga dokumento ng inyong hacienda at ari-arian, Mateo?" Biglang tanong nito.
Nagtinginan naman ang tatlong magkakaibigan sa isa't isa.
"Ah... ano kasi Kuya..."
"Magpapakasal na kasi ako... Oo... iyon na nga... Ako ay magpapakasal na kaya gusto ko po itong makita." Putol ni Katrina kay Martin "Upang... upang... upang ako ay makapaghanda... iyon na nga... hehe."
Nagulat naman si Luciano sa kaniyang narinig. "Talaga? Hindi ko alam na ikaw ay may kasintahan pala, Mateo. Hindi ito naikwento ni Donya Consuelo sa akin."
Ay? Wala bang jowabells si Mateo?
"Hahaha... Oo naman! Ito talagang si Kuya Luciano... Syempre, merong kasintahan itong aming amigo." Wari ni Javier sabay tapik sa mga balikat ni Mateo.
Aray ha!
"Siyang tunay? Binabati kita, ako ay nagagalak na ikaw ay hahantong na sa ganitong yugto ng iyong buhay. Baka gusto mo rin gayahin si Mateo, Martin?" Sabi nito sabay tingin sa kanyang nakababatang kapatid.
"Kuya naman... darating din ako diyan." Sabay pamulsa sa mga kamay nito.
"Si Papa ang iyong sabihan niyan at hindi ako. Isa pa may utang ka pa sa akin sapagkat itinago ko ang pagliliwaliw niyo sa Europa." Pag-uudyok nito. "Maiba tayo, sino itong mapalad na dilag na iyong papakasalan? Paniguradong kilala namin ito... Isa ba ito sa mga anak ni Don Novicio? O kaya naman ito ba ay si Senyorita Soledad na anak ni Donya Hidalgo, hindi ba at magkaklase kayo ng kapatid nun?"
Huuy! Teka lang bakit ang daming tanong!?
Biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan ang buong silid nang marinig ng tatlo ang mga katanungan ni Luciano. Agad naman napatingin sila Javier at Martin sa kanilang kaibigan na mukhang pinapawisan na sa kaba.
"Ah... ano... ito ay isa pong lihim... hahaha. Alm mo na, secret... se-skreto..." Pilit nitong tawa. "Hindi ko pa kasi ito sinasabi sa kanilang dalawa kung sino... hi-hindi ba?" Sabay tingin ni Katrina kay Martin at Javier. Agad namang napatango ang dalawa.
"Oo nga... hahaha... hindi namin alam kung sino, hindi ba Javier?" Siko ni Martin kay Javier.
"Ah, Oo... ang sabi lang kasi sa amin ni Mateo ay mayroon siyang kasintahan na gustong pakasalan. Subalit hindi nito nababanggit ang kanyang pangalan. Alam niyo naman po itong aming kaibigan, masyadong tahimik at pribado sa mga ganitong bagay."
"At.... at... tanging pamilya lang namin ang nakakaalam nito... ma-mamamanhikan pa kasi kami... hehe" Pangangatwiran nito sabay pahid sa namumuong pawis sa kanyang noo.
BINABASA MO ANG
El Mestizo
Historical FictionKatrina "the All-rounder" de Maguiba. The Jack of all trades, honor student, achiever and scholar of her batch. She was good at everything. Jumping from one job to another because of bad experiences, nahirapan si Katrina maka hanap ng stable na trab...