Author's Note:
I used (*) for the Spanish conversation since hindi naman ako marunong mag Espanyol at ayaw ko umasa sa google translate. And (") for tagalog conversations para hindi kayo malito. Italicized words are from Katrina's POV.
* * * * * *
Napasinghap ng hangin si Katrina ng naimulat niya ulit ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ngayon lang siya ulit nakalanghap ng hangin. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari sa kanya. Natatandaan niya na muntikan na siyang mamatay sa kaniyang apartment pagkatapos nito ay bigla na lamang siyang dinala sa isang ibayong lugar kung saan ay nakasakay siya ng kabayo na siyang dahilan ng pagkahulog niya mula rito. Napaka bilis ng pangyayari na hindi niya na alam kung panaginip lang ba lahat ng iyon.
Pero siya ay buhay, 'yan agad ang unang sumagi sa kaniyang isipan. Buong akala niya ay iyon na ang huling pagkakataon na masilayan niya ang mundong ibabaw. Gayunpaman, andito na siya, humihingang muli at buhay. Subalit, asan nga ba siya?
Napatingin si Katrina sa kisame ng silid. Alam niya hindi ganito ang kisame ng kanyang apartment. Nasa ospital ba siya? Tanong niya sa kaniyang sarili. Nabaling naman ang kaniyang mga tingin habang pinagmamasdan ang kabuohan ng silid.
Where am I?
Agad namang pinunasan ni Katrina ang kanyang mga mata. Ilang oras ba siyang nawalan ng malay at parang nagmamalik-mata na ata siya. Napatingin siya ulit sa paligid para lang madismaya dahil walang nagbago.
Asan ba ako?
Malawak ang silid at malaki, kagaya ng kaniyang kamang hinihigaan. Napapalibutan ang bawat sulok ng kwarto ng mabulaklaking wallpaper at mga lamparang ilaw na nakadikit sa dingding. May mga naglalakihang muebles 'ding gawa sa kahoy na may mala antigong disenyo. May magarang chandelier 'ding nakasabit sa mataas na kisami. Matataas at naglalakihan ang mga bintana sa silid at pinapalamutian ito ng kurtinang halos kakulay na ng pader. Sa kabilang dako naman ay namataan ni Katrina ang isang fireplace sa loob ng kwarto.
Nasa Baguio ba ako? O kaya naman Tagaytay?
Pinilit niyang umupo mula sa kaniyang pagkakahiga nang bigla siyang napaungol dahil nakaramdam siya ng pananakit sa kaniyang likod.
*Mateo... kumusta ang iyong pakiramdam kaibigan?* Lapit agad ng isang lalaki sa kaniyang tabi. Hindi namalayan ni Katrina na may ibang tao pala sa silid.
*Martin, gising na si Mateo.* Kalabit nito sa isa pang lalaki na natutulog sa isang malaking sofa. Napatingin naman si Katrina sa dalawa mula ulo hanggang paa. Nakasout kasi ang mga ito ng itim na overcoat at tsaleko sa ilalim.
Mateo? Sino si Mateo?
Napalingon naman si Katrina sa kanan, nagbabakasakaling may iba pang lalaki sa loob ng silid. Pero niisa ay wala siyang makita maliban sa dalawang lalaki sa kaniyang harapan.
*Maayos na ba ang iyong pakiramdam?* Lapit agad ng lalaking nagngangalang Martin. Bigla namang napahawak si Martin sa kamay nito na siyang ikinagulat ni Katrina. Agaran namang napabitaw si Katrina sa pagkakahawak mura rito.
"Sino ka?" Tanong nito sa lalaki. Nabigla naman si Katrina ng marinig niya ang kanyang boses.
"Ah...ah... ahem... ah..." Sinubukan niyang magsalita.
Hindi naman masakit ang kaniyang laluman pero bakit parang ang lalim ng kaniyang boses? Tanong nito sa kaniyang sarili. Bigla namang napahawak si Katrina sa leeg niya nang maramdaman niya ang isang bukol.
Bakit may bukol?
Dahan dahan naman niyang binaba ang kaniyang mga kamay sabay tingin sa mga ito. Kailan pa naging malaki ang kaniyang mga kamay? At kailan pa naging mahaba ang kaniyang mga daliri? Bigla siyang kinabahan sa kaniyang mga nakikita. Agad naman siyang napatayo sa kaniyang hinihigaan. Ramdam pa niya ang kirot ng kaniyang katawan na para ba siyang dumaan sa bugbog, pero hindi na niya nailantana pa ang sakit. Dali dali siyang nagpunta sa isang tokador na may salamin.
BINABASA MO ANG
El Mestizo
Historical FictionKatrina "the All-rounder" de Maguiba. The Jack of all trades, honor student, achiever and scholar of her batch. She was good at everything. Jumping from one job to another because of bad experiences, nahirapan si Katrina maka hanap ng stable na trab...