CHAPTER 12 : WOLF KRIS.

1 0 0
                                    

KATE

3rd street*

Tama ang hinala ko. may laban ngang magaganap. buti na lang hindi kapwa EXO ang kalaban nila. nagtataka nga ako eh, kahapon lang magkakampi sila sa pagbugbog kay LUHAN pero ngayon sila sila ng magkaaway?

sila yung mga KPOP- PANGET kahapon. tss.. alam na kung kanino ko kampi.

"Mayabang ka kasi KRIS. kami na nga ang tutulong sayo ikaw pang choosy! mabuti pa unahin ka na lang namin".

"Asa naman kayo. hindi nyo nga ako nakaya kahapon tapos ngayon nagpi- feeling kayo!?".

"Malakas lang ang loob mo kasi kasama mo sila TAO at LAY".

"Sus. ewan ko ba sa kanila. gusto daw manuod ng sabong eh! wag kayo mag alala, di sila makikialam"- nag- ngisihan yung kabilang grupo

"Mabuti kung ganon. kala namin duwag ka na eh".

"Tama na ngang satsat. laban na lang!"- pomorma na si KRIS. seryoso sya!? sosolohin nya ang mga KPOP- PANGET na yan!?

Gumilid naman sila LAY at TAO. Ano ba naman sila!? kainis oh! sabagay palagay ko kayang kaya na ni KRIS ang mga yon.

Nagsimula na nga silang magsalpukan, sisiw na sisiw nga pala sila kumpara kay KRIS.

UNBELIEVABLE! TAMA SI LUHAN. HALIMAW NGA SYA.

Lahat na halos napatumba ni KRIS ng di manlang pinagpapawisan, chilax na chilax naman sila TAO at LAY nagawa pa ngang mangalumbaba habang nakaupo sa tabi.

Ang galing mo KRIS! AHOO! para sa WOLF!- bulong ko.

Natigilan ako ng may magdatingan pa, ang dami dami na nila. wag mo sabihing hindi pa rin tutulong sila TAO at LAY!?

"Eh kayo pala mga duwag eh! nagtawag pa talaga kayo ha!? gusto nyong magsisali sa RED WOLF!? pwes di pa kayo nakakaharap ni KAI. para sakin out na kayo!"- si KRIS

"Di kami sasali sa RED WOLF noh! ala kaming balak mapabilang sa mga asong *LOL HAHAHA!".

"Eh mga loko pala tong mga to eh!"- napatayo si TAO

"KRIS balato mo na samin yang second batch na yan, nangangawit na ko kakaupo eh!"- nag i- stretch na sabi ni LAY.

"Chill mga bro. akin sila, alang makikialam. sabi ko sa inyo wag na kayo sumama eh!".

"Damot!"- napaupo ulit si LAY sabay kalumbaba.

"Tapusin na natin to! tara!"- susugod na si KRIS ng mapatigil sya, mula kasi sa likod ng pantalon nila may nilabas silang mga balisong.

Naku! baka mapahamak si KRIS! resback na TAO and LAY! what are you waiting for!?- bulong ko.

"Oy! foul yan! daya oh!"- react ni LAY. na nanatiling nakaupo.

"Ok lang. kala nyo matatakot ako sa mga patalim nyo!? ha!"- sumugod uli si KRIS.

Tadyak at suntok ang inabot nila, iniiwasan lang nya yung mga patalim nila, hindi na ko halos makahinga sa suspense. Nag aalala ako para sa kanya.

Napatayo na din sila TAO at LAY. palagay ko gusto na nila tumulong pero inaalala lang nila yung pride ni KRIS.

"Hoy babae. kanino kang espiya ha!?"- nanigas ako ng may maramdamang matulis na bagay sa leeg ko.

"H-ha? t-teka..

"Halika!".

"Aray ko!"- hinila nya ko sa buhok ko at kinaladkad papunta kayla KRIS.

"Ano!? ala na ba!?"- hamon ni KRIS.

"Meron pa!"- napalingon silang lahat.

"Kate?"- napakunot noo sya.

Sorry.. ang tanga ko kainis!- bulong ko.

"So kilala mo pala sya KRIS"- muli tinapat nya sa leeg ko yung patalim.

"Oo".

"Ah tama. pamilyar kasi yung pagmumukha nya sakin, sya nga pala yung anak ng may ari ng EXO university, sya din yung sumulpot kahapon nung pagtulungan natin si LUHAN di ba?".

"Eh ano ngayon?".

"Ala ka bang paki sa kanya?".

"Ala".

"Eh kung gawin ko to?"- sinimulan nyang itusok sa leeg ko yung patalim. may naramdaman akong makirot.

"Tama na!".

"Kala ko ba ala kang paki sa babaeng to? ah.. alam ko na malamang naulit na naman yung dati".

"SHUT UP!"- galit na sigaw ni KRIS

"Yung nagkagulo kayo dahil lang sa isang babae".

"Sabi ng shut up! pakawalan mong babaeng yan!".

"Eh kung di kita sundin?".

"Pakawalan mo sabi sya!"- sumugod na si KRIS. tinulak naman ako nung may hawak sakin.

Tinulungan akong tumayo nila LAY at TAO. wow ang popogi nila sa malapitan.

"Ok ka lang?"- tanong nila

"Oo"- napatingin ako kay KRIS. galit na galit sya habang nilalamog yung nang hostage sakin kanina.

"Tulungan nyo si KRIS. baka mapano sya".

"Sige. mabuti pa umalis ka na"- kampanteng sabi ni LAY

"Pero-

"Go!"- segunda ni TAO.

Tumulong na sila kay KRIS. hindi ko magawang umalis na lang, pano na ang mission ko kung pababayaan ko lang sila.

Para bang di nauubos yung kalaban, may nagdatingan pang may hawak na mga pamalo. pano na to? gusto ko na umiyak.

PANO KUNG MAPAHAMAK SI KRIS TAO AT LAY?

SIGURADONG MAGKAKATOTOO.
YUNG HULA NI LOLA.

Napatingin sila sakin, hindi ko alam kung tatakbo ba ko o ano? humarang si KRIS sa harapan ko.

Ala syang pinalalagpas, lahat ng lalapit kamao nya yung sumasalubong. ang sarap pala na mapagtanggol, mapagtanggol ng isang WOLF na nagngangalang KRIS.

Nang maubos yung kalaban nya hinawakan nya yung magkabilang balikat ko, sabay sabi.

"Umalis ka na, ano pang hinihintay mo!? pasko!?".

"Hindi ko kayo pwedeng iwan".

"Ala kang magagawa dito! makakagulo ka lang! Go!".

Hindi ko na napigilang umiyak habang pinapanuod silang makipag away, emo na kung emo. eh sa nag aalala ko eh!

Mula sa likuran ni KRIS may nakalusot na isa, isasaksak nya kay KRIS yung hawak nyang patalim.

"KRIS SA LIKOD"- sigaw ni TAO at LAY. hindi agad naka react si KRIS.

Hindi pwedeng mabawasan kahit isa ang EXO. yon lang ang nasa isip ko habang parang slowmo na tumatakbo palapit sa kanila.

KRIS TABI!




MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon